Yayoi
Ingatan Mo
[Verse 1]
Kamusta ka na? Kamusta na siya?
Balita ko masaya na kayong dalawa
'Yung mga plano namin noon
Ginagawa niyo na rin ngayon
Hinahanap ko pa rin 'yung dating binitawan
Ko sa mali naming panahon
Kasalanan ko bigla kong sumuko, ngayon ko nalaman
Mas mahirap makitang masaya na siya sa iba
Wala na 'kong laban, 'di ko na gawa na sabihin na mahal ko siya
Tanging pakiusap ko na lang, 'wag mong sasaktan
Ipakita mo kung ga'no siya kahalalga

[Chorus]
Pwede bang ingatan mo siya?
Mga bagay na 'di ko man lang nagawa nung kami pa
Bawat larawan niyo na magkasama
Ay may mga ngiti niyo na higit nung kami pa
Ingatan mo siya
Dahil mali ako nung hinayaan ko siya na mawala
Ipakita mong siya ang mundo
Masakit ma'y kasalanan ko

[Verse 2]
Hindi madali ang nangyari sa aming dalawa
Puro pag-aaway sa lahat ng bagay
Kaya mas pinili niya na lumayo sa piling ko
Lagi na lang mali niya ang aking nakikita
Hindi ko alam unti-unti nang siya'y nawalan na ng gana
Sana'y iyong alagaan mahalin at ingatan
Nagsisisi akong hinayaan
Na mawala na lang, hindi ko na naagapan
Ikaw na ang may hawak ng dati kong mundo
Makita lang siya na masaya ay masaya na rin ako
[Chorus]
Pwede bang ingatan mo siya?
Mga bagay na 'di ko man lang nagawa nung kami pa
Bawat larawan niyo na magkasama
Ay may mga ngiti niyo na higit nung kami pa
Ingatan mo siya
Dahil mali ako nung hinayaan ko siya na mawala
Ipakita mong siya ang mundo
Masakit ma'y kasalanan ko

[Verse 3]
Alam ko namang 'di na ako
Kita naman na masaya na siyang nasa tabi mo
Wala 'kong magawa kundi tignan kayong dalawa
Mali kong hindi ko nabigyan siya ng halaga
Pinakawalan ko ang hindi ko inakalang hahanapin ko
Ngayon hawak mo ang kamay na minsan na ring kinapitan ko
At na sa'yo na, pakiusap na 'wag mo na sanang saktan
'Yung minsang hinayaan ko lang
Pwede ba na ingatan 'yung sinayang ko lang?