Yayoi
Baka Di Tayo
[Verse 1]
Teka muna, pwedeng pakinggan mo muna
'Wag mo muna 'ko na sabayan
Kase lalo lang lalabo ang paliwanagan, oh-oh
Pa'no pa sisimulan kung matatapos na
Masisisi mo ba kung napapagod na?
Kahit na mahal kita hindi sapat na dahilan
Na manatili pa sa tabi mo

[Pre-Chorus]
Kaya ko namang ilaban ka pa
Alam mo na iningatan kita
Kaso lang may hinahanap ka pa
Nagkulang pa rin kahit lahat ay ginawa ko na
Sarili muna'ng uunahin ko, oh-oh
Patawad kung kailangan ko na lumayo sa piling mo

[Chorus]
Baka 'di lang talaga tayong dalawa
At mas mabuting palayain na kita
Ayoko nang maging lunas o maging pamunas
Ng mga luha sa mga mata
Pasensya ka na kung napagod na sa'yo (Napagod na sa'yo)
Mahal kita pero uunahin ko na lang
Ngayon ang sarili ko
[Verse 2]
Alam kong 'di ka na masaya sa'kin, ano pang magagawa ko?
Tanggapin ko na lamang ang lahat kung 'yan ang kakatuwa mo
Buburahin ko na lamang ang dati nating mga plano
Na binubuo mo ngayon kasama ang ibang tao
Masakit sa'kin pero kailangan tiisin ang lahat
Sige panalo ka na, 'wag mo na kung batuhin pa ng mga sumbat
Pagod na 'kong i-angat pa 'yung sarili ko sa'yo
'Di mo na ko dapat baguhin kung ako talaga 'yung gusto mo
Basta ako ginawa ko ang lahat, 'di mo man nadama
Kahit kapalit nito'y pagpatak ng luha ko sa mata
Bawat tingin ko sa'yo ay nakatitig ka sa kaniya
Ngayon alam ko ng malabo na nga 'tong maisalba

[Chorus]
Baka 'di lang talaga tayong dalawa
At mas mabuting palayain na kita
Ayoko nang maging lunas o maging pamunas
Ng mga luha sa mga mata
Pasensya ka na kung napapagod na sa'yo (Napagod na sa'yo)
Mahal kita pero uunahin ko na lang
Ngayon ang sarili ko

[Verse 3]
Pinipilit ko naman na maging maayos ang lahat
Ngunit parang hindi pa din sapat ang aking mga nagawa
Kaya tama na, hindi ko na kaya pa (Hindi ko na kaya pa)
Hindi ko na kaya pa (Hindi na, 'di na)
Hindi ko na kaya pa (Ooh-woah)
Hirap lang tiisin, alam kong wala ng pagtingin
At nawala na ang paglalambing
Kaya't relasyo'y hirap nang sagipin
Hindi na makakaya malabo na dahil hindi na masaya
'Di na matawag na akin ka kaya palaging mag-iingat ka
[Chorus]
Baka 'di lang talaga tayong dalawa
At mas mabuting palayain na kita
Ayoko ng maging lunas o maging pamunas
Ng mga luha sa mga mata
Pasensya ka na kung napagod na sa'yo (Napagod na sa'yo)
Mahal kita pero uunahin ko na lang
Ngayon ang sarili ko

[Chorus]
Baka 'di lang talaga tayong dalawa
At mas mabuting palayain na kita
Ayoko ng maging lunas o maging pamunas
Ng mga luha sa mga mata
Pasensya ka na kung napagod na sa'yo (Napagod na sa'yo)
Mahal kita pero uunahin ko na lang
Ngayon ang sarili ko