Yayoi
Di Naramdaman
Hindi na kita sisisihin kung napaniwala ka nila
Nawalan ng gana dahil sa mga naririnig sa kanila
Sabihin mang dati na yang nangyayari
Hindi ka masisisi kung ayaw mo na
Bibitawan kita ng bukal sa loob pagkat mahal kita (Oh Yeah)

Maglalakad nang hindi na kita kasama na humahakbang
At sa pagbabalik mo ay hinding hindi na ‘ko mag aabang
Wala na yung dating ngiti sa ‘yong labi
Kaya ayoko nang muli na mahibang
At tatanggapin ang totoong hindi ka na masaya (Oh Yeah)

Hindi ka na pipilitin pa
Di na mauulit, di na aayusin pa
Bibitawan at hahayaan kahit masaktan
Basta sa maaayos ka
Patawarin mo rin ako
Kung di ko na kayang ibigay ang mga gusto mo
Minahal kita sa alam kong paraan
Baka hindi mo lang naramdaman

Heto na nga ba yung kinakatakot ko na mangyari
Masyado lang ako siguro sayo na kampante
Akala ko ayos lang biglang nagbago na lang
Di ka na nagparamdam, natitiis mo na
Minsan na rin naman akong napagod
Pero ni minsan di kita sinuko
Nung di ka na masaya biglang umalis ka na lang
Ako ba sa ‘ting dalawa ang nagbago
Kaya kung hahayaan na kitang lumayo ay maisip mo
Na di naman yun para sa’kin kundi para ‘yon sayo

Hindi ka na pipilitin pa
Di na mauulit, di na aayusin pa
Bibitawan at hahayaan kahit masaktan
Basta sa maaayos ka
Patawarin mo rin ako
Kung di ko na kayang ibigay ang mga gusto mo
Minahal kita sa alam kong paraan
Baka hindi mo lang naramdaman

Aminado ako na may pagkukulang at pagbabago
Mga rason para maging normal ating pagtatalo
Oo malungkot ka pero tanong ko sa’yo kung naramdaman mo ba ‘ko?
Eh kung hindi naman pala baka tama ang desisyon mong magsarado
Ng puso mo para sa akin at baka mas gusto mong magpahinga
Baka hindi ka na makahinga sabihin mo lang wag ka nang mahiya
Na magsalita kase ramdam naman lahat ‘yon dahil sa kabila
Ng mga pagsubok pa lang natin kita kong pahina ka na ng pahina
Pero totoo nakakabigla kase hindi pa ‘ko nakahanda
Parang bula na lang na nawala yung kabanatang ‘kala ko ay maganda
Wala na ‘kong magagawa kundi tanggapin na tayo ay mas lumala
Nakakadala na gano’n ka lang kabilis sa akin na kumawala
Hindi ka na pipilitin pa
Di na mauulit, di na aayusin pa
Bibitawan at hahayaan kahit masaktan
Basta sa maaayos ka
Patawarin mo rin ako
Kung di ko na kayang ibigay ang mga gusto mo
Minahal kita sa alam kong paraan
Baka hindi mo lang naramdaman

Hindi ka na pipilitin pa
Di na mauulit, di na aayusin pa
Bibitawan at hahayaan kahit masaktan
Basta sa maaayos ka
Patawarin mo rin ako
Kung di ko na kayang ibigay ang mga gusto mo
Minahal kita sa alam kong paraan
Baka hindi mo lang naramdaman