Nicanor Abelardo
Himutok!
Dibdib ko’y tumanggap ng matinding sakit
Sanhi sa pagsinta’t wagas na pag-ibig
Puso ko’y lunod na sa dagsa ng hapis
Saan kukuha pa ng pagtitiis?

Gayon iyong alam na wala nang lunas
Sa hirap kong ito kung ‘di ang iyong habag
Ano’t natutuwang iyo pangmamalas
Mga mapapait na luhang nanatak!

O, giliw ko’t aking mutya
Nasaan ang iyong awa?
Di na makaya pang bathin
Ang dulot mong hilahil;

Bigyan mo ng pag-asa
Pusong sumisinta!