Nik Makino
GOOD MORNING
[Intro]
Good morning, everybody
You already know who this is
It's N-I to the mothafuckin K
I hope you doin' good today, you know
Every morning issa blessing
Every gising issa blessing
Pray, do something, continue life
Let's go

[Verse 1]
Kagabe natulog kang problemado ka bro
I'm pretty sure, nagulat ka, pagmulat ng mata mo
Kasi nagising ka pa at iyong haharapin
Problemang nasa isip, pa'no tatapusin?
Ang solusyon ay nasa harapan na ng salamin
Bumangon ka't hanapin at iyong alamin
'Di 'yung magdadasal ka at babalik sa kama
Para ka lang nagsagwan sa gitna ng kalsada
Wala ka nang napapala at napapagod ka pa
Bangon lang nang bangon, p're, kada dapa
Problemang na pagdaanan magsisilbing ugat
'Di ka agad magigiba sa iyong pag-angat
Paghusayan mo lalo at lalo pang galingan
Kahit ang tyansang binigay suntok sa buwan
'Eto lang ang lagi mong tatandaan
Sisikat ang araw nasaan ka man, Cheeze
[Chorus]
May bagong pag-asa, every gising is biyaya
Kaya't bumangon na, magandang umaga
Pagmulat ng iyong mata, magpasalamat, nagising ka
Kaya't bumangon na, magandang umaga

[Verse 2]
Alam ko, oo, hindi gano'n kadali
Lalo na kapag laging nagmamadali
Magigising kang muli at uulit na naman
Eh kung nahihirapan ka, bakit ka nga ba nand'yan?
Wala ka nang ginagawa, nagrereklamo ka pa
Tapos sasabihin mo ang malas mo talaga
Yuyuko, magdarasal, sisisihin mo pa Siya
Ikaw namang gumagawa, p're, hindi naman Siya
Paulit-ulit lang, 'eto na naman tayo
Isip ay gulong-gulo, gusto mo nang maglaho, ayaw mo na sa'yo
Pa'no na silang naniniwala sa'yo?
Pa'no na 'yung mga nagtiwala sa'yo?
Pa'no na silang mga pumusta sa'yo?
Kung hihinto ka, p're, talo na kagad kayo

[Chorus]
May bagong pag-asa, every gising is biyaya
Kaya't bumangon na, magandang umaga
Pagmulat ng iyong mata, magpasalamat, nagising ka
Kaya't bumangon na, magandang umaga