Nik Makino
SIPAG LANG
[Chorus]
Araw-araw sipag lang, sipag lang
Hayaan mo silang sa'yo’y humahadlang
'Wag hihinto, tuloy-tuloy mo lang
Diretso lang kahit meron pang humarang
Araw-araw sipag lang, sipag lang
Hayaan mo silang sa'yo’y humahadlang
'Wag hihinto, tuloy-tuloy mo lang
Diretso lang kahit meron pang humarang

[Verse 1]
Oh, akala ko dati hanggang dito na lang
Balak ko dati huminto na lang
Akala ko dati wala nang mapapala
Mabuti na lang hindi pa ako nadadala
Kung pinanghihinaan ka ngayon
Balikan, bakit mo sinimulan 'to?
Anong dahilan? Bakit ginawa mo?
Ngayon ka pa ba hihinto?
Malayo-layo na rin ang narating mo
Gawin na lahat ang nasa isip mo
Huwag mong gawin ay 'yong huminto (Chos)

[Chorus]
Araw-araw sipag lang, sipag lang
Hayaan mo silang sa'yo'y humahadlang
'Wag hihinto, tuloy-tuloy mo lang
Diretso lang kahit meron pang humarang
Araw-araw sipag lang, sipag lang
Hayaan mo silang sa'yo’y humahadlang
’Wag hihinto, tuloy-tuloy mo lang
Diretso lang kahit meron pang humarang
[Verse 2]
Oh, anong ginagawa mo d'yan
Parang naubusan sa’yong sarili ng tiwala
Tanggalin mo na rin ang mga maling hinala
Dahil sa bandang huli ikaw lang din maging kawawa, yeah
Diretso sa plano kung paano gumarbo ang buhay
Salamat sa payo kung paano manalo sa tunay na buhay, yeah
Magulang, kaibigan, ang aking sandigan
Sila ang patunay kung bakit hindi ako humihinto
Walang tigil sa pagaalukay ng ginto

[Chorus]
Araw-araw sipag lang, sipag lang
Hayaan mo silang sa'yo'y humahadlang
'Wag hihinto, tuloy-tuloy mo lang
Diretso lang kahit meron pang humarang
Araw-araw sipag lang, sipag lang
Hayaan mo silang sa’yo'y humahadlang
'Wag hihinto, tuloy-tuloy mo lang
Diretso lang kahit meron pang humarang