Quest (PH)
Sasamahan Kita
[Intro]
Sasamahan kita
Sasamahan kita

[Verse 1]
Minimithi
Inaasam
Pangarap na walang hanggan'
Bawat ngiti
Nagniningning
Magsisilbing liwanag sa dilim
Natatanaw mo ba
Maabot mo ba
Tanong sa bawat bukas
Masasagot mo na
Mahaba man ang daan
Madami man 'yang hadlang
Huwag kang mag-alala
Sasamahan kita

[Pre-Chorus]
Buksan ang kinabukasan
Tuklasin ang kayamanan
Ng pusong nangangarap
Bawat hakbang patungo sa pangarap
[Chorus]
Pangarap
Pangarap
Pangarap

[Verse 2]
Malinaw na paraan
Kalimutan ang nakaraan
Ayusin natin ang daan
Ano man ang humadlang
Gamitin ang iyong lakas
Para mai-angat ang iyong antas
Mula sa baba, ngayon nasa taas
Kinang ng puso iyong ilabas
Kami aalalay, iyong kaagapay
Sa bawat hakbang meron ka ng karamay
Hanggang sa tagumpay, ika'y magtatagumpay
Ang imposible ay kaya
Basta't sama-sama
Kaya huwag mag-alala
Sasamahan kita

[Pre-Chorus]
Buksan ang kinabukasan
Tuklasin ang kayamanan
Ng pusong lumalaban
Bawat hakbang patungo sa pangarap
[Chorus]
Pangarap
Pangarap
Pangarap

[Bridge]
Sasamahan kita
Huwag ka nang mag-alala
Sasamahan kita
'Di ka na mawawala
Sasamahan kita
Meron ka nang kasangga
Sasamahan kita
'Di ka na mag-iisa
Sasamahan kita
Huwag ka nang mag-alala
Sasamahan kita
'Di ka na mawawala
Sasamahan kita
Meron ka nang kasangga
Sasamahan kita
'Di ka na mag-iisa

[Refrain]
Buksan ang kinabukasan
Tuklasin ang kayamanan
Ng pusong lumalaban
Bawat hakbang patungo sa pangarap
[Pre-Chorus]
Buksan ang kinabukasan
Tuklasin ang kayamanan
Ng pusong lumalaban
Bawat hakbang patungo sa pangarap

[Chorus]
Pangarap
Pangarap
Pangarap

[Outro]
Sasamahan kita