Quest (PH)
Awit ng Bagong Taon
[Verse 1]
Dapat bang balikan ang mga kaganapan ng taong nagdaan?
Bangayan, banggaan, awayan, hiwalayan, turuan, duruan
Kawalan ng kabuhayan
'Di pagkakaunawaan
Hanggang saan? (Hanggang saan?)
Hanggang kailan? (Hanggang kailan?)
Ang 'di mo alam may pag-asa na nakalaan
May ilaw na masisilayan
Kung ang paningin lang natin ang papalitan
Gaganda ang sama-sama nating kinabukasan

[Chorus]
Bagong pananaw, bagong pagsulong
Bagong panimula, bagong pagbangon
Bagong handog sa atin ng Panginoon (Panginoon)
Bagong pagkakataon, bagong taon

[Post-Chorus]
Woahhh, woahhh
Woahhh, woahhh

[Verse 2]
Sana'y pagbibigayan at kapatawaran
Ang siyang maghari sa 'ting bayan
Kung ang hanapin natin sa mundo'y kabutihan
Magandang bukas ang ating maaasahan
Ang bawat isa sa 'tin ay may kagandahan
Kung bubuksan lang ang puso't isipan
Magpasalamat sa mga aral nating natutuhan (Natutuhan)
Mukhang may pagbabagong tunay na masaksihan
[Chorus]
Bagong pananaw, bagong pagsulong
Bagong panimula, bagong pagbangon
Bagong handog sa atin ng Panginoon
Bagong pagkakataon, bagong taon

[Bridge]
Buong mga kapatid, 'wag na po sana tayo magsisihan ('Wag magsisihan)
Tulungan, damayan, alalayan, pagbibigayan (Pagbibigayan)
Tunay na pagmamahalan (Pagmamahalan) ang ating kailangan (Kailangan)
Saan pa man, kailan pa man

[Chorus]
Bagong pananaw, bagong pagsulong
Bagong panimula, bagong pagbangon
Bagong handog sa atin ng Panginoon
Bagong pagkakataon, bagong taon
Bagong pananaw, bagong pagsulong
Bagong panimula, bagong pagbangon (Bagong pagbangon)
Bagong handog sa atin ng Panginoon
Bagong pagkakataon, bagong taon

[Post-Chorus]
Bagong pagkakataon
(Wooaahhh, wooaahh)
Bagong taon
(Wooaahhh, wooaahh)
Bagong taon
(Wooaahhh, wooaahh)
Bagong taon
(Wooaahhh, wooaahh)
Bagong taon
[Outro]
Bagong pagkakataon, bagong taon