Quest (PHL)
Tagay
[Verse 1]
Iba't ibang kwento, iba't ibang simula
Pero isa lang ang sentro, tagumpay ng bawat isa
Ano man ang hamon, hindi nangangamba
Kahit hamunin ng takot, hindi ito tutumba

[Pre-Chorus]
Kilalang palaban, 'di nag-aalangan
Sugod lang sa pangarap, ano man ang daan
Sa init at lubak, sa hirap at lumbay
Diretso lang sa tagumpay

[Chorus]
Para sa tapang na tunay
Para sa tibay at husay
Isang tagay sa mga ganado sa buhay
Para sa pusong lalaban
Pangarap, pamilya at bayan
Isang tagay sa mga ganado sa buhay

[Verse 2]
Ilang beses mang tumumba
Malagay man sa pangamba
Lahat 'yan hindi uubra
Kitang-kita ang angas sa mata
'Di natatalo, dahil natututo
Kahit mapagod walang balak sumuko
Hindi matitibag ang pag-asa
Dahil sama-sama sa pag-arangkada
[Pre-Chorus]
Kilalang palaban, 'di nag-aalangan
Sugod lang sa pangarap, ano man ang daan
Sa init at lubak, sa hirap at lumbay
Diretso lang sa tagumpay

[Chorus]
Para sa tapang na tunay
Para sa tibay at husay
Isang tagay sa mga ganado sa buhay
Para sa pusong lalaban
Pangarap, pamilya at bayan
Isang tagay sa mga ganado sa buhay

[Verse 3]
Yah, ikaw, ako, tayo makabagong bayanihan
Samahang hindi mabubuwag, kapatiran
Anuman ang kalaban, madami man 'yan o higante
Never say die lang ang sinisigaw palagi
'Di mo masisindak, 'di mo malilinlang
Ika'y makakatiyak, 'di mapipigil ang pangarap
Pag-ibig ng ganadong palaban, laging may paraan
Dire-diretso lang, ano man ang daan
Hindi pwedeng bahala na lang, kailangang planado ang laban
Nakatutok at nakaabang, pangarap, pamilya at bayan
Tunay na mandirigma isip, puso at diwa
Pilipinong ganado, itaas ang bandila
[Bridge]
Pilipino ako, ganado ako
Matapang ako, lalaban ako
Pilipino ako, ganado ako
Matapang ako, lalaban ako

[Chorus]
Para sa tapang na tunay
Para sa tibay at husay
Isang tagay sa mga ganado sa buhay
Para sa pusong lalaban
Pangarap, pamilya at bayan
Isang tagay sa mga ganado sa buhay