NGAYONG WALA KA NA
HINDI KO KAYA
HINDI KO KAYA
NGAYONG WALA KA NA
NGAYONG WALA KA NA
[ JUAN THUGS N HARMONY-VERSE 1 ]
ANO NGA BANG DAHILAN
KUNG BAKIT ANG SINAG NG ARAW AY WALANG HATID NA INIT
MAGING ANG IHIP NG HANGIN
AY NAGBAGO NA KASABAY NG PAGLUHA NG LANGIT
SAN BA DAPAT IBALING ANG PANINGIN
HINDI KO KAYANG ISIPING HINDI KA SA AKIN
DAPAT NGA BANG TULUYAN NA LIMUTIN KA
TALIKURAN ANG KAHAPONG DATING KAY SAYA
SAN NA NGA BA
BAKIT NGA BA
TUNAY NGA BA
NGAYOY WALA KA NA
UNTI UNTING NAGDIDILIM
ANG LIWANAG NA DATING PINAGSALUHAN NATIN
KAILANGA KO NA NGAYONG TUMAYO
AT BUMANGON NA SA PAGSISISI
KUNG BAKIT IKAW PA ANG MINAHAL KO NG HIGIT PA
SA AKING SARILI
( CHORUS )
NGAYONG WALA KA NA
PAANO KO HAHARAPIN ANG MUNDO NG MAG ISA?
KAPALIT NG PAG IBIG KOY PAGLUHA NG MATA
AKO NGAYOY NAGIISA WALA KA NA
AT NASA PILING NA NG IBA
NGAYONG WALA KA NA
PAANO KO HAHARAPIN ANG MUNDO NG MAG ISA?
KAPALIT NG PAG IBIG KOY PAGLUHA NG MATA
AKO NGAYOY NAGIISA WALA KA NA
AT NASA PILING NA NG IBA
[ FLOYDIE BANKS-VERSE 2 ]
KINAYA KONG HARAPIN ANG LAHAT
BUHAT NG MAWALA KA SA AKIN AT BINUHAT
KAHIT MABIGAT ANG LUHANG GUSTONG PUMATAK
MAGMULA SAKING MGA MATA AT HARAPIN ANG ISANG BUKAS
NG WALA KA NA
SANA MASAYA KA NA SA KANYA
MALIGAYA SA BAWAT ORAS NA KASAMA SYA
AY MAKITA ANG MAGANDA MONG NGITI
SAYONG PISNI AT SANAY
HINDI KA NYA SAKTAN
DAHIL NAGING PARTE KA NANG BUHAY KO
AT ISA KA SA MGA PINAHAHALAGAHANG BAGAY SA AKING MUNDO
NGUNIT SA PAGKAWALA MO AY PINILIT KONG MAGPAKATATAG
NALUGMOK NAGING BULAG
HINDI NA TUMINGIN SA IBA NGUNIT MAY ISANG
TAONG DUMATING NA
NAGING LUNAS SA BAWAT SAKIT
NAGPUNAS SA BAKAS NANG ALA-ALA
NG KAHAPONG KAY PAIT
NA DULOT NG PAGKAWALA MO NA SA ALA-ALA KO
INAKO NYA LAHAT ANG MGA HINDI MO NAGAWA
AT PINANAGUTAN ANG MGA BINITAWAN
MONG PANGAKO NA HINDI MO NATUPAD
NAIBSAN NYA ANG BAWAT HAPDI AT SUGAT
NA INIWAN MO NA INAKALA MONG WALANG HALAGA
PARA SA AKIN
DAHIL BA ALAM MO NA MAKAKAKITA PA
AKO NG IBA KANTA NA ALAY
SABI HINDI TAYO ANG PARA SA ISAT ISA
AT SANA LANG AY SYA NA ANG PARA SAYO
AT SYA NA RIN ANG PARA SA AKIN
PARA SA DULO AY MAGING
MASAYA RIN TAYONG DALAWA
KAYA PAALAM, PAALAM, PAALAM
HARAPIN ANG BUKAS NA KASAMA SYA MATAGPUAN
ANG WAGAS NA PAGMAMAHALAN
PUSO KOY NA SAYO LANG HINDI TULAD NG DATING
NAG UUMAPAW ANG PAG IBIG NA NASAYANG LANG
( CHORUS )
NGAYONG WALA KA NA
PAANO KO HAHARAPIN ANG MUNDO NG MAG ISA?
KAPALIT NG PAG IBIG KOY PAGLUHA NG MATA
AKO NGAYOY NAGIISA WALA KA NA
AT NASA PILING NA NG IBA
[ MAGIC-VERSE 3 ]
SANAY NA AKO
NA PALAGI KITANG KASALO
PARA KITANG KAKAMABAL
HINDI KA SAKIN PWEDE ILAYO
DIBA SABI KO NAMAN
HINDI KO NA MAGAGAWA
NA UMIBIG SA IBA DAHIL SAYO
KO PA LAMANG NARANASAN
ANG MGA MASASAYA
AT HINDI KO MAIPALIWANAG
NA PAGTIBOK
PAGKATAPOS BIGLA MO
NA LAMANG AKO ITINATABOY
NA PARANG SA AKIN AY NASUSULASOK
BAKIT PA KASI AKO PA
ANG SYANG SINUBOK NG KALANGITAN EH
ALAM NYA NAMAN NA IKAW NALANG ANG KAYAMANAN KO
PERO HINDI KA NAHABAG GINAWA NYANG LARUAN
UNTI UNTING GUMUHO ANG AKING MUNDO
KASABAY NG PAGLUHA
NASAN NA BA YUNG DATING IKAW?
BAT KAY BILIS MONG NALIGAW?
HINDI KA NA SAKIN NAAWA GIRL
HINDI NAMAN AKO NAGING UNFAIR
PERO BAKIT SAKIN AY NAGTAKSIL
ANG TINUTURING KO NA ANGHEL
SAN AY PINATAY MO NALANG AKO
DAHIL BAKA HINDI NA KINAKAYA
NG DIBDIB ANG MGA TINIK
NAMAMATAY AKO SA INGGIT
MAS MAHAPDI AT MASAKIT
NUNG MAKITA KITA O MAKITA KAYO
MAGKASAMA SA ISANG PAGKAKATAON
AT EKSENANG DATIRATI
AKO ANG SYANG NAROON
( CHORUS )
NGAYONG WALA KA NA
PAANO KO HAHARAPIN ANG MUNDO NG MAG ISA?
KAPALIT NG PAG IBIG KOY PAGLUHA NG MATA
AKO NGAYOY NAGIISA WALA KA NA
AT NASA PILING NA NG IBA
NGAYONG WALA KA NA
PAANO KO HAHARAPIN ANG MUNDO NG MAG ISA?
KAPALIT NG PAG IBIG KOY PAGLUHA NG MATA
AKO NGAYOY NAGIISA WALA KA NA
AT NASA PILING NA NG IBA
[ MCKOY-VERSE 4 ]
HULI NA TALAGA ANG PAGSISI
NGAYONG WALA KA NA SAKIN
MUNDOY NAGIBA
AT BIGLANG NAGDILIM
AKOY NAG IISA
AT HINDI KO NA MALAMAN KUNG ANO
ANG AKING GAGAWIN
KAHIT PILITIN KO NA TUMAYO
SUBUKAN NA IKAW ANG KALIMUTAN
SA ISIP KOY BUMABALIK PA RIN
LUMIPAS ANG ALAALA
SATIN NA KAY SAYA
DALA KO NA HABANG BUHAY
PERO BAKIT IKAW AY NAWALA
TULUYAN NG LUMAYO KASABAY
SA PAGBITAW NG ATING SUMPAAN
NA PAGTITIBAYIN
ANG PAGMAMAHALAN
PURO SAKRIPISYO ANG PINUNA
LAHAT NG YON AKING GINAWA
MINAHAL KITA NG HUSTO
SA PAGSUBOK HINDI SUMUKO
SUBALIT HINDI KO AKALAIN
NA DARATING SA PUNTO NA
IKAY MAGIGING DAHILAN
GAGAWA NG PARAAN
UPANG ANG ATING RELASYON AY MASIRA
BINALEWALA MO LAHAT
AKOY PINAGPALIT MO SA IBA
DAHIL BA AKO AY ISANG MAHIRAP LANG
KUMIKITA SA PAGAWIT LANG
WALA AKONG KAYAMAN
NANGANGARAP ISANG ARAW
NA MAGBAGO ANG AKING KAPALARAN
IKAW ANG AKING ININGATAN
AT AKING KASIYAHAN
NAPASAKIT PARA SA AKIN
NA IKAW AY MAPUNTA SA IBA
[ JEKKPOT-VERSE 5 ]
WALA NA KONG NAGAWA
ITO LAMANG NAISIP KO NA PARAAN
PARA MAKAUSAP KA SINTA
SIMULA NG YONG NILISAN AT NAISIN
NA SUMAMA SA KANYA NA SYA BAY
DAHILAN NG ATING PAGKASIRA
NAGTATANONG KUNG BAKIT KA NAGLAHO SAKIN
SANA SAGUTIN MO SA AKIN NG MAAYOS
LIWANAGIN MGA BAGAY NA HINDI KO
NAINTINDIHAN AT MGA PAGKUKULANG NA NAGAWA SAYO
MAS PINII KO ANG MUNDO NA ITO
DAHIL DITO AY MALAYA NA KITA MAKAKAUSAP
AT BAKA SAKALING MAGKAROON
NA NG SAGOT ANG TANONG SAYO
BAKIT MO AKO INIWAN?
HINDI KO MATANGGAP KATOTOHANAN
NA BINABALOT NG BANGUNGOT
SANA HINDI NA MAGISING
TULUYAN NA KONG MAKALIMOT SA HAPDI
KIROT AT DULOT NG KAHAPONG MAY PANGAKONG
IKAW LANG HANGGANG SA KAMATAYAN
ANG BAWAT PATAK NG LUHA
DULOT NG PAGKAWALA MO
HALOS BUMAHA SA LUPA KONG TINATAPAKAN
DAHIL NGA SA PAGDURUSANG
SOBRANG HIRAP NA WALA KA SA TABI
( MABUTING NG WALA KA )
WAG MO NA AKONG ISIPIN
AT SARILI MO SISIHIN
KASALANAN MAN ANG NAGAWA
PARA MAGING MALAYA
SA PAGPIKIT NG YONG MGA MATA
TSAK! DUN MO NALANG AKO MAKIKITA
( CHORUS )
NGAYONG WALA KA NA
PAANO KO HAHARAPIN ANG MUNDO NG MAG ISA?
KAPALIT NG PAG IBIG KOY PAGLUHA NG MATA
AKO NGAYOY NAGIISA WALA KA NA
AT NASA PILING NA NG IBA
NGAYONG WALA KA NA
PAANO KO HAHARAPIN ANG MUNDO NG MAG ISA?
KAPALIT NG PAG IBIG KOY PAGLUHA NG MATA
AKO NGAYOY NAGIISA WALA KA NA
AT NASA PILING NA NG IBA