Arthur Nery
Palaisipan

[Intro: Loonie]
Sa palaisipan ba tayo dapat nagsisimula?
Baby pakiusap

[Chorus: Arthur Nery]
Kung magpapakilala sana
Pwede bang idaan mo lahat sa hawak?
Naligaw lang sa dinami-dami ng mga
Pasikot-sikot sa'yong katawan
Sana lang ay mapadaan

[Verse 1: Loonie]
Nabulag sa'yong mga kurbada, nabudol sa mga usapang walang kontrata
Harutan hanggang sa abutan ng umaga, walang sagot sa katanungang "Tayo nga ba?"
Aruy, kung ayaw masaktan, 'wag nang umasa, nagbabakasali na lang na tsumamba
Mga dasal sa Maykapal, sana gumana, kaso madalas sila ni Satanas ang magkakuntsaba
Matagal ko na 'tong pinapanalangin na ika'y tuluyang mapaibig sa'kin
Ngunit ako'y parang dagang dinagit lang ng lawin, pinaglaruan tapos pinakawalan rin
Tinig ay tahimik, isip ay malalim, hirap nang basahin, tila ba Baybayin
Sarili kong lenggwahe ng pag-ibig ay pag-amin, ikaw ginawa mong Sining ang pagiging sinungaling

[Chorus: Arthur Nery]
Kung magpapakilala sana
Pwede bang idaan mo lahat sa hawak?
Naligaw lang sa dinami-dami ng mga
Pasikot-sikot sa'yong katawan
Sana lang ay mapadaan
[Verse 2: Loonie]
Ano ba talaga tayo? Para lang klaro
Kailangan kong malaman kung mahal mo pa ba 'ko?
Naglalaro ka lang ba o nananarantado?
Kasi nakita ko kahapon may kasama kang bago
Ayoko nang umasa sa mga usapang malabo
Parang gamugamong nadarang at napaso
Nadala at mas lalo lang nawala at naglaho ang mga balak at plano
Nagmukha ba 'kong gago? Kaya walang mga pangako puro para-paraan
Laging telebabad kahit walang tawagan
Araw-araw normalan kasi para pa saan
Ang mga sumpaan kung wala namang karapatan
Ibig kong maliwanagan, 'wag mo sanang diliman
Kapaan parang magkasintahan sa sinehan, matinding palaisipan
Sa dami ng pasikot-sikot nagkakasalisihan

[Chorus: Arthur Nery]
Kung magpapakilala sana
Pwede bang idaan mo lahat sa hawak?
Naligaw lang sa dinami-dami ng mga
Pasikot-sikot sa'yong katawan
Sana lang ay mapadaan

[Bridge: Arthur Nery]
Oras at konting espasyo lang ang kailangan
Nating dalawa sa ngayon
Ngunit parang 'di naman 'to hadlang
Palapit na tayo sa kalawakan
[Verse 3: Loonie]
May dalawang magkasintahan sa taas ng bundok
Nagkasundong tapusin ang buhay nilang malungkot
Hindi na masaya sa kama, hanap na ay tuldok
Usapan ay sabay silang tatalon sa tuktok
Sabi niya, "Magtiwala ka lang sa'kin, mahal ko
Talon tayo nang sabay, pagbilang ko ng tatlo"
Kaso lang ang problema pagkatapos niyang bumilang, siya lang ang tumalon
Si babae nagpaiwan habang nakatingin sa kaniya nakangiti lang
Ngunit biglang nagulat ang babae nang nakitang nakangiti din si lalaki habang pababa siya
Sabay biglang buka ng dambuhalang parakayda
Ngayon sinong mas taksil sa dalawa?
Sino ang mas tuso? Sino ang mas tanga talaga?
'Yung lalaki ba na may dalang back-up plan?
O 'yung babae na wala siyang balak back-up-an?