Mag isa

Kaya ko naman mag isa

Kasi ng umalis ka diba?

Kaya ko naman kaso nga lang katotohanan ay mahirap talaga
Di na masaya kasi nga wala ka na



Mga mata lagi ng basa

Namumugto

Namamaga

Puso'y nabalot ng pasa



Gusto ko mag laho na bigla

Pumutok pero di maka kasa

Nais ko na lang isulat ang aking mga nadarama

Kaso nga lang mga lapis tila ba walang tasa



Ano nga bat dapat kong maramdaman?

Sa damdamin ko daming naka dagan

Sa iyong pag dating ay tila gumaan

Pero nung umalis ka tila ba nadagdagan pa



Sige lang todo mo na

Puso ko ay di na maaayos yan tutal sinugatan mo na

Bakit di pa tuluyang wasakin pa hanggang sa wala na akong madarama pa

Hanggang sa wala ng matira na lakas para tumayo kapag nadarapa



Para saan mga paraan ko kung siya naman pala ang dahilan mo

Para ako ay lisanin mo

Walang kwenta ang pakiusap ko

Patuloy akong kumakapit sayo

Kung alam ko lang na binitawan ako

Di na sana katawa-tawa

Di na sana nag mukhang tanga sa harap mo

More by Poisonhxrzy

All Poisonhxrzy songs →