Loonie
Cerberus
[Verse 1: Abra]
Sige pumasok ka sa loob ng aking utak-utak-utak-bo
Sige bilisan mo pa hanggang sa madapa kasi ang kupad-kupad mo
Takbo, para 'di ka maabutan, kinikilabutan, kinatatakutan mo
Kapag nahuli ka patay kang bata ka na para bang nakunan sa sinapupunan, uh
Isa, dalawa tatlo, kilala bilang mga siraulo
Halatang inakala ng iba na 'di makapangyarihan ang mga ginayuma
Wasak ang mga talukap ng mga masangsang na alamang
At talangkang walang alam at halatang nagtatakang naghahatakan
Nang pababa nang pababa lang hanggan sa hangganan ng walang hanggan
Puro mga inggitero na bagot, oo, mga feelingerong nayamot
Pa'no niyo 'ko hihilahin sa balong malalim? Eh hindi niyo nga 'ko maabot
Bra-ta-ta-ta-ta-tara, chik-chik bang, oh, 'di ba nakakatakot?
'Pagkat 'di niyo matatakasan ang boses ng kabataan kapag sure hit na ang mga pasabog
Sino ba 'yan? Sinubaybayan at sinabayan lang naman ng buong sambayanan
Kahit gago, makabago, makatao at makatarungan, heto na si Abra, tan-ta-na-nan
'Di man katangkaran pero nakayanang umakyat sa pedestal at gumawa ng himala
Binatang makatang matinik na kakaiba talaga mag-isip miski maliit andami pa ring mga tumitingala, brrah

[Verse 2: Loonie]
Sige, pumasok ka sa loob ng aking utak
Pwede mo itong ihalintulad sa isang higanting pintuang 'di mo maitulak
Tignan mo itsura, 'di mo masikmura parang ginawa mong inumin ang suka
'Wag kang umasa na mangyari magka-tyansa ka sa'kin kasi distansya natin bituin at lupa
Libu-libong sinagupa, binaon parang basura, pinipicturan ko muna
Bago ilibing sa lupa primitimong lirisismo pipilitin kong pihitin
Kung tingin mong kiliti mong imposible kong makuha
Pilipinong sining at literaturang hinaluan ng mga bara na parang hiroglipiko ang sulat
Mga titik na inipon at sinukat ay nagiging ipuipo 'pag hindi ko naisuka
'Pag ako nagalit, papaupuin kita sa dala ko na karet, ako si Kamatayan bumaba mula sa langit
Alam mo ba kung bakit? Para sindihan ka nang buhay
Hanggang sa malapnos ang balat at makalbo ang anit
'Pag parang kambing na 'yung amoy, papatayin ko 'yung apoy, palakol ang gamit
Sige pumasok ka pa sa loob ng aking utak, hinulma ng usok, puyat, Kuya Kiko at ni 2Pac
Susubukan kong unatin at sukatin sa talampakan upang makita nila lampas bente ang taas
Maaring makapasok kaso nga lang 'pag pintua'y nagsarado siguradong 'di na pwedeng lumabas
[Verse 3: Ron Henley]
Sige pumasok ka sa loob ng aking utak
Para kang umakyat ng banahaw at naligaw sa gitna ng gubat
'Di mo maintindihan parang dikit-dikit na sulat ng doktor
Mga kabit-kabit na letrang parang tren pinatatakbo pa rin
Kahit akala ng iba'y kinakalawang ang motor, hawak ko'y tinidor na mula kay Poseidon at Shiva
'Pag tinamaan nang lintek siguradong may baong matataas na along kayang lumamon ng isla
Salamat ginising mo ang pinakamatangkad sa limang daliri ko
Uso 'ata ang utak at pusong mabato, panahong paleolitiko
Masdan mo ang sugat sa likod ng larawan ng mga multong 'di na nagparamdam
Dati'y binabahayan ng pula, ngayon nama'y binabawi na ng mga itim na langgam
Naramdaman ang nagbabagang lupa mula sa palad ng Shaman
Nagpatangay sa hangin hanggang sa mapadpad sa patag na dapat lakaran
Pagdaan ko mga aso kumahol, 'yung iba naglabas ng pala, piko't asarol
Sinubukan nilang hukayin ang lalim ngunit natagpuan lang nila ay ang kanilang sariling ataol
Tanggalin niyo na muna ang mga muta sa mata na nakabara
Hala, sige, maghilamos nang makita niyo mga patay na isda lang ang sumasabay sa agos