Loonie
Bago Ang Lahat
[Verse 1: Loonie]
Ang haba ng tulog ko, masyadong masarap
Daig ko pa ang batang bagong panganak
Ni hindi ko nga alam kung paano naganap
Paggising ko bigla na lang nagbago ang lahat
'Yung taxi, kwarenta na ang flagdown sa metro
Tapos halos dose pesos bawat kilometro
Siguradong mababadtrip dito si Rizal
Barya na lang ang sampung piso, literal
Boksingerong kongresista, pwede na
Palakasan sa pulitika, etsetera
Hindi na uso ang silya elektrika
Tapos si Rustom Padilla may dede na
Tigok na si Saddamm, patay na si Osama
Nag-tsunami sa Japan, buti buhay pa si Ozawa
Halalan sa Amerika, nanalo si Obama
Puti na ang pisara, bagong simula na

[Chorus: Kat Alano, Loonie]
Bago ang lahat, alam mo ba na ang
Lahat ay nagbago na, lahat ay nagbago na
Bago ang lahat, alam mo ba na ang
Lahat ay nagbago na, lahat ay nagbago na
Pabago-bago, pabago-bago
Pabago-bago, pabago-bago
Pabago-bago, pabago-bago
Ang panahon at isip ng tao
[Verse 2: Ron Henley]
Sa aking pagbalik, halos walang nagbago sa itsura
Gano'n pa rin ang bakod bago lang ang pintura
Mailaw na lansangang, bagong gimikan
Pare-pareho lang ang ulam, bagong init lang
Sa panghi tingnan natin kung hindi ka mandiri
Sa pader kung sa'n nagpapataasan ng ihi
Panay bagong mukha ang nasa gitna
Dating saling pusa naging aso bigla
Nawala na 'yung dating mga kasama ko lagi
Nag-anyong gusali at nagpakabahay kunwari
Sa ilog ng pagsubok, lulutang ang ugali
Nagbago ang galawan, nawala lang 'yung hari
Ang daang baku-bako sana maging semento
At ang daang liku-liko sana maging deretso
Pilit kong inisip, ano nga ba nag-iba?
Sino nga bang nagbago, ako ba o sila?

[Chorus: Kat Alano, Loonie]
Bago ang lahat, alam mo ba na ang
Lahat ay nagbago na, lahat ay nagbago na
Bago ang lahat, alam mo ba na ang
Lahat ay nagbago na, lahat ay nagbago na
Pabago-bago, pabago-bago
Pabago-bago, pabago-bago
Pabago-bago, pabago-bago
Ang panahon at isip ng tao
[Verse 3: Loonie]
Taong dalawang libo't labing dal'wa
Habang tumatagal ang mundo nag-iiba
Walang permanente kung 'di ang pagbabago
Dating luntian, unti-unti nang naglalaho
Tubig sa Ilog Pasig, pwedeng inumin dati
Tinitingnan ka ng mata ng illuminati
Salamat sa wakas, meron ng DVD copy
Meron na ring pirata pati Issey Miyake
Para sa'n pa ang TV, kung meron ng PC
Aanhin pa ang Encyclo kung meron ng Wiki
Buong mundo nasa dulo ng daliri mo
Kahit ano pwede mong ituro sa sarili mo
May bago kang phone, ano ang gagawin mo?
Kung may lumalabas na mas bago kada linggo
Sa bilis ng oras, wala ng kamay ang mga relo
Baka 'di mo na lang mamalayan, biglang mamatay ang katabi mo

[Chorus: Kat Alano, Loonie]
Bago ang lahat, alam mo ba na ang
Lahat ay nagbago na, lahat ay nagbago na
Bago ang lahat, alam mo ba na ang
Lahat ay nagbago na, lahat ay nagbago na
Bago ang lahat, alam mo ba na ang
Lahat ay nagbago na, lahat ay nagbago na
Bago ang lahat, alam mo ba na ang
Lahat ay nagbago na, lahat ay nagbago na
Pabago-bago, pabago-bago
Pabago-bago, pabago-bago
Pabago-bago, pabago-bago
Ang panahon at isip ng tao