Loonie
The Bobo Song
[Verse 1]
Ang pinilakang tabing na sariling atin
Natabunan ng mga telenovela na pinilit lang ang dubbing
Walang palabas at mas madalas magpatalastas
Sa aming telebisyon, biglang inisip ko ang aking
Kinabukasan na parang inihip lang ng hangin
Ako ay Pilipino sa isip at damdamin
Pero bakit ka mahilig sa chinito at chinita?
Dramathon sa hapon kasama si tito at si tita
At si kuya at si ate at katulong na parating natutulog
'Pag malapit na maluto ang sinaing
Huminahon ka itay baka ka mabulunan
Sa laki ng binayad mo, wala 'kong natutunan
Ni kapiranggot mula nung unang baitang
Pumapasok lang ako para mangutang kay ma'am
Ng pambili ng kanin, chicken adobo
Araw-araw ganito nakaka-bobo

[Chorus]
Lahat nang nakikita ko nakaka-bobo
Kahit nakapikit ako nakaka-bobo
Lahat nang nakikita ko kahit nakapikit ako
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo
Lahat nang nakikita ko nakaka-bobo
Kahit nakapikit ako nakaka-bobo
Lahat nang nakikita ko kahit nakapikit ako
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo
[Verse 2]
Pulitiko na nasa showbiz, posible na pala
Ang dami ng artista sa pulitika, tanga
Bobo, inutil, walang pinag-aralan
Hangal, hunghang, sino ba'ng pinagmanahan?
Uto-uto, sunod-sunuran sa kung anong makita ng mata
Upang mapansin ka ng madla
Para masabi lang na in ka sa mga pormang petmalu
In tda loop sa chika chuvaneski chorva eklavu
Mga chismis na nahuli na ng isang dekada
"Richard Gomez at Lucy Torres, sila na nga ba?"
Da who itong starlet na ang suso lumabas
'Wag na 'wag mong ililipat susunod na sa The Buzz
Wowowee, sinong 'di mawiwili?
Makakakita ka ng mga natapakan sa TV
Habang kinakain mo 'yung kanin, chicken adobo
Ayoko nang ganito nakaka-bobo

[Chorus]
Lahat nang nakikita ko nakaka-bobo
Kahit nakapikit ako nakaka-bobo
Lahat nang nakikita ko kahit nakapikit ako
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo
Lahat nang nakikita ko nakaka-bobo
Kahit nakapikit ako nakaka-bobo
Lahat nang nakikita ko kahit nakapikit ako
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo
[Post-Chorus]
Takot kang magtanong, takot kang magpaulit
Takot ka ring lumapit sa guro mo na masungit
Takot kang magtanong, takot kang magpaulit
Kaya pala takot ka magsagot sa pagsusulit
'Kala mo alam mo 'to, 'kala mo alam mo 'yan
'Kala mo porket Tagalog puro lang kabaduyan
'Kala mo porket mahirap ka hanggang d'yan ka na lang
'Kala mo alam mo na lahat, wala ka pang alam

[Verse 3]
Kasi lahat nang nakikita mo akala mo tama
Maghapon ka sa TV mo na nakatunganga
Nakapangalumbaba simula pa nung bata
'Di naman importanteng magpaka-dalubhasa
Ang sa'kin lang naman ikaw ay malinawan
'Wag na 'wag mong gawing dahilan ang kahirapan
Maniwala, pero 'wag umasa sa himala
Wala pang nananalo sa lotto nang 'di tumataya
Kaya palayain mo ang utak mong nakakulong
Mas masahol pa sa bobo, ang bobo nagmarunong
Kung ang pag-iisip para sa'yo'y nakakangawit
Ibenta mo ang utak mo kung 'di mo ginagamit
'Wag kang magalit kung laman ng bao ay ampaw
Pilipino lang ako 'pag nananalo si Pacquiao
At 'pag narinig ko 'yung kanin, chicken adobo
Nakaka-indak kahit nakaka-bobo
[Chorus]
Lahat nang nakikita ko nakaka-bobo
Kahit nakapikit ako nakaka-bobo
Lahat nang nakikita ko kahit nakapikit ako
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo
Lahat nang nakikita ko nakaka-bobo
Kahit nakapikit ako nakaka-bobo
Lahat nang nakikita ko kahit nakapikit ako
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo

[Post-Chorus]
Takot kang magtanong, takot kang magpaulit
Takot ka ring lumapit sa guro mo na masungit
Takot kang magtanong, takot kang magpaulit
Kaya pala takot ka magsagot sa pagsusulit
'Kala mo alam mo 'to, 'kala mo alam mo 'yan
'Kala mo porket Tagalog puro lang kabaduyan
'Kala mo porket mahirap ka hanggang d'yan ka na lang
'Kala mo alam mo na lahat, wala ka pang alam

[Outro]
Nakaka-bobo, nakaka-bobo
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo
Nakaka-bobo, nakaka-bobo
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo