[Verse 1: Loonie]
Sinungaling ka, sinungaling ako, sino nga ba sa atin ang nagsasabi ng totoo
Sinungaling ang simbahan, sinungaling ang gobyerno
Sinungaling pag sinabing di to galing sa kwaderno
Sinungaling ang radyo, sinungaling ang dyaryo
Baradong inidoro sinong galing sa banyo
Mahirap malaman kung sino saatin ang tapat. sapagkat para sakin sinungaling ang lahat
Sinungaling ang nag presyo sa resto ng tapsi, sinungaling ang tsuper pati yung metro ng taxi
Sinungaling ang kasintahan anak ng tinapa, sabi nya ikaw lamang at wala ng iba pa
Kasama nya yung sinungaling mong tunay na kaibigan na dadamay sa'yo hanggang sa hukay mo sa libingan
Pano mong malalaman ako'y nanloloko lamang, sinungaling ako at yun ang katotohanan
[Chorus: Loonie]
Kahit na sarili ko di ko mapagkatiwalaan. di ko rin alam kung sinong papaniwalaan
Sino ang tapat sino ang di totoo, sino, sino, sinungaling ako
Kasinungalingan sa kaliwa't sa kanan makinig ka muna upang mapaliwanagan kung walang tapat sayo ikaw ay aking tatapatin sino, sino, sinungaling ka rin
[Verse 2: Ron Henley]
Meron akong kwento isa daw syang henyo, kaya pala kase mahilig sya mag imbento, bawat may makilala may panget na komento. pero pag kaharap parang galing sa kumbento
Makamandag kase dila ay hawig sa ahas dahilan para kagatin ni eba ang mansanas, ngunit ako'y matalas, wala na syang takas, alam na namin na di sya lumalaban ng patas
Mag ingat ka na rin, may balak syang maitim. alam ko'y ahas lang ngunit tao'y nagbabalat na rin. ibat- iba ang hugis at kulay, sa pag sisinungaling sya nabubuhay. pagkakaibigan ang binayad tapos ito ang sukli ko. dapat ka lang sa dilim kase ang itim ng budhi mo. lumayo ka sakin, wag mo kong kausapin, alam mo na ayoko sa lahat ay sinungaling
[Chorus: Loonie]
Kahit na sarili ko di ko mapagkatiwalaan. di ko rin alam kung sinong papaniwalaan
Sino ang tapat sino ang di totoo, sino, sino, sinungaling ako
Kasinungalingan sa kaliwa't sa kanan makinig ka muna upang mapaliwanagan kung walang tapat sayo ikaw ay aking tatapatin sino, sino, sinungaling ka rin
[Verse 3: Tuff]
Di ko alam kung sino ang mga bulaan. pero susubukan kong hulaan, mga nakangiti sa pagkislap ng ilaw na parang isang larawan at biglang dinaig ng mga bulungan ang tawanan na parang paligsahan batuhang kaliwa at kanan. kasing kinang ng perlas ng kasinungalingan
Pero bakit ba malabo ang katotohanan? ngayon subukan mong bilangin kung ilan ang tunay mong kaibigan. isa, dalawa o sampu, ilan? ilan ang pwede mong silungan sa gitna ng ulan?
Ilang ang tunay na bakas na maaring mong sundan? at ilan na ba ang patalim mo sa likuran?
Anong nakita mo paglingon sa'yong pinanggalingan? di na rin ako naniniwala sa kasabihan, kaya wag ka magtaka at itanim sa isip minsan mas sinungaling ang kakampi mo kaysa sayong kalaban
[Chorus x2: Loonie ]
Kahit na sarili ko di ko mapagkatiwalaan. di ko rin alam kung sinong papaniwalaan
Sino ang tapat sino ang di totoo, sino, sino, sinungaling ako
Kasinungalingan sa kaliwa't sa kanan makinig ka muna upang mapaliwanagan kung walang tapat sayo ikaw ay aking tatapatin sino, sino, sinungaling ka rin
[Verse 4: Loonie]
Isipin mo na nasa gubat ka, ika'y giniginaw
'di mo alam ang daan palabas, ika'y naliligaw
May dalawang daanan, kaliwa at kanan
Mayron dalawang nakabahag na nakaharang
Yung isang daan papunta sa kabihasnan
Yung isa naman papuntang kapahamakan
Yung isang nakabahag laging nagsisinungaling
Yung isa naman tapat pero isipin mo pa rin
'di mo alam kung sino sa kanila ang huwad
Magkamukhang-magkamukha parehas pang nakahubad
Isang tanong lang ang pwede mong itanong sa kanila
Para makalabas sa gubat at makapag-pahinga
Ang sagot sa tanong na 'to ay palaisipan
Kung gusto mong matuklasan nasa papel ng CD 'yan
P'ano mo malalaman na ako'y nanloloko lamang
Sinungaling ako at yun ang katotohanan