Loonie
Pilosopo
[Verse 1: Loonie]
Malawak ang isip, matalas ang diwa
'Yun nga lang kakaiba ang tabas ng dila
'Pag hawak ko na ang mikropono, lagot
Bawat bobong tanong may pilosopong sagot
Mag-aral nang mabuti, 'yan ang dapat kong gawin
Kaso nga lang pati masama inaral ko na rin
Tsaka 'di ko man aminin
Kung ano ang ayokong isulat, 'yun ang ibig kong sabihin
'Di mo maintindihan pilit mo mang isipin
Ang pahiwatig ng mga titik sa awitin
Malalim humiwa ang lirikong may ngipin
Palaging sariwa hindi nakakabitin
Bisayang dako, Diyos ko simba ko
Bakit ganito lahat gusto maging ako?
Andami kong pangarap, tutuparin ko 'to
Tagalog, Bisaya, Ingles, may punto pa rin ako
Ano?

[Chorus: Loonie]
Ano mang sabihin mo, 'di mo kayang tindihan
Kahit na itodo mo (Kahit na itodo mo)
Kasalanan ko ba na 'di mo maintindihan ang isang pilosopo?

[Post-Chorus]
Easy lang (Easy lang)
Bakit ka masyadong seryoso? (Seryoso, seryoso, seryoso)
Easy lang (Easy lang)
Bakit ka masyadong seryoso? (Seryoso, seryoso, seryoso)
[Verse 2: Loonie]
Ka-ka-kahit magkulabo pa kami ng sinasabi mong the best
Ako'y karibal 'pag may bisita kinakain ko 'yung guest
Kung 'di mo 'yon na-gets, pwes 'di ka na bagets
Jejemon at putapetz, pwede munang umalis
Alis, layas, malinaw ba?
'Di mo ba naintindihan parang "ni hao ma"?
Bumbilya sa ulo ko may ilaw na
'Pag pinaliwanag ko pa baka masilaw ka
Halimaw sa mikropono, teka muna pare
Walang sinabi mga letra mo sa akin
Tahimik bawat titik, alpabeto'y wawasakin
Pwedeng daanan ng bapor ang metaphor sa lalim
Tawag sa akin, sa amin ay "Hari ng Tugma"
Ito'y biyaya nga bang galing langit o sumpa?
Kasi 'pag sinabi mong rapper ka laging may kutsa
Anong klase? Gift wrapper o wrapper ng lumpia?
Pero...

[Chorus: Loonie]
Ano mang sabihin mo, 'di mo kayang tindihan
Kahit na itodo mo (Kahit na itodo mo)
Kasalanan ko ba na 'di mo maintindihan ang isang pilosopo?

[Post-Chorus]
Easy lang (Easy lang)
Bakit ka masyadong seryoso? (Seryoso, seryoso, seryoso)
Easy lang (Easy lang)
Bakit ka masyadong seryoso? (Seryoso, seryoso, seryoso)
[Verse 3: Smugglaz]
Tulad din ng dati kong pagbungad ay kwento niyo sa pagong
Parang kumento't mga tanong o argumentong
Na alam mong alam kong alam niyong 'di na bago parang tunay sa 'di totoo
Sinong binobo niyo nung halalan nung kailan ba sino binoto mo?
Ako'y pilosopo, aral sa lagpas daliring turong sinaulo nang mapangatawan
Bagamat matigas ang ulo'y mayro'ng malambot na pusong
Habol ang huling halakhak kahit mapagtawanan
Nangarap ng malayo, may natapos, sa'n nagmula?
Umabante pataas na may pagpapakumbaba
Pinagmalaki ko na bago pa maliitin ng mga mangungutya
Lalo na kung galing lang din sa mga walang mukha
Na mahusay sa paggamit ng mabangong salita
Pero 'di balanse ang timbangan ng kanan at kaliwa
Pero baka biglang matulala, lamunin nang gulat, ma-Eat Bulaga
'Pag sinimulan ko kayong pakitaan ng mga akala niyo sa'kin wala
Wala!

[Chorus: Loonie]
Ano mang sabihin mo, 'di mo kayang tindihan
Kahit na itodo mo (Kahit na itodo mo)
Kasalanan ko ba na 'di mo maintindihan ang isang pilosopo?

[Post-Chorus]
Easy lang (Easy lang)
Bakit ka masyadong seryoso? (Seryoso, seryoso, seryoso)
Easy lang (Easy lang)
Bakit ka masyadong seryoso?
[Outro]
'Wag kang masyadong seryoso, oh
'Wag kang masyadong seryoso, oh
Bumbilya sa ulo ko may ilaw na
'Pag pinaliwanag ko pa baka masilaw ka
Halimaw sa mikropono, halimaw sa mikropono
Easy, easy lang, 'wag kang masyadong seryoso, oh
Bumbilya sa ulo ko may ilaw na
'Pag pinaliwanag ko pa baka masilaw ka
Halimaw sa mikropono, halimaw sa mikropono