[Intro: Gloc-9]
Yeah
Konflick
Loonie
Yeah
Gloc-9
May sasabihin lang ako
[Chorus: Gloc-9 ]
Siya ay matangkad o pandak, payat, pwedeng mataba
'Pag 'di mo siya kilala sa tingin, 'di mo halata
Ang kulay o kung ga'no kakapal ang kanyang mukha
Dalawang kamay, dalawang paa pero utak talangka

[Verse: Gloc-9]
Sila na ang tanging alam ay ang maghusga ng iba
Pero hindi naaamoy ang sariling baho nila
Nagagalit 'pag may nakikitang iba na masaya
Gumagamit ng kapwa para lang malamangan nila'ng ibang tao, kahit na pa'no
Hindi nanghihinayang
Ipakita sa mga tao kung ga'no kagaspang ang ugali
Sana'y mabali at hindi na pamarisan nang mapigilang dumami tanging palatandaan
[Chorus: Gloc-9 ]
Siya ay matangkad o pandak, payat, pwedeng mataba
'Pag 'di mo siya kilala sa tingin, 'di mo halata
Ang kulay o kung ga'no kakapal ang kanyang mukha
Dalawang kamay, dalawang paa pero utak talangka
[Verse: Loonie]
Panibugho ay karamdaman na wala nang lunas
Kahit anong gawin mo hahanapan ka ng butas
Pati bata ginagago, palibhasa kasi bago
Bakit 'di ka pa magbago, alimasag, alimango
Itaya mo nang lahat, pakilatag pati pato
Para lang makatanggap ng palakpakang masigabo
Ay kailangan mong ialay laway, pawis at dugo
Pero nandyan sila, nilamon ng panibugho
Pag ika'y umasenso meron agad magtatangka
Na ika'y pabagsakin gaya ng mga talangka
Kaya naman namamangha ang mga nagbabanta na bumangga sa'king barko tataob ang inyong bangka
Wala ka namang panalo, anong mapapala mo
Mabuti pa siguro maghanap ka ng trabaho
Kaysa sa maghusga ka, di mo ako kilala
Pero kilala kita, isa ka sa kanila
[Chorus: Gloc-9 ]
Siya ay matangkad o pandak, payat, pwedeng mataba
'Pag 'di mo siya kilala sa tingin, 'di mo halata
Ang kulay o kung ga'no kakapal ang kanyang mukha
Dalawang kamay, dalawang paa pero utak talangka
[Verse: Konflick]
Sadyang nagkrus ang aming landas, sa wakas bukas na'ng aming pinto
Muling mamamayagpag at walang makakasugpo
Sa muling pagbangon ay aahon ng panibagong yugto
Ng kabanata ng aming istoryang hindi hihinto
Sa kabilang panig ay nagbabalak na namang maparisan
Sige subukan tingnan ewan kung di ka pagpawisan
Sa kakaisip ng panibagong hakbang at galaw
Subalit ang katotohanan ay walang kaagaw
Ang katulad namin na dalubhasang sumulat ng letra
Mga pangungusap kong kailanma'y 'di mo kayang ikwenta
Sa dami ng gustong umentra sinubukang mapalitan
Ngunit laglagan 'di makayanan tanggapin ng ilan
Kahit na sino pa 'yan ay hindi ko sasantuhin
Hindi mo 'ko palaman kaya't wag mo 'kong babastusin
Kalimutan mong kayang agawin pa'ng aming mga trono
'Pagkat laging pambihira'ng aming kataga't mga tono, tara!
[Chorus: Gloc-9 ]
Siya ay matangkad o pandak, payat, pwedeng mataba
'Pag 'di mo siya kilala sa tingin, 'di mo halata
Ang kulay o kung ga'no kakapal ang kanyang mukha
Dalawang kamay, dalawang paa pero utak talangka
[Bridge: Gloc-9]
Ang 'di ko lang maintindihan ay bakit sa 'kin nagalit
Ng may isang taong sa 'kin ay makataong lumapit
Humingi ng tulong ukol sa mga bago niyang awit
Ay marating ang pangarap na kay tagal niyang hinanap
Subukan mo ngang ilagay ang iyong mga paa
Sa kanyang kinatatayuan, wala kang pinag-iba
Dahil malamang siya sa 'yo ay nakahihigit pa
Nakayanan niyang umamin kahit nakapikit pa
[Chorus: Gloc-9 ]
Siya ay matangkad o pandak, payat, pwedeng mataba
'Pag 'di mo siya kilala sa tingin, 'di mo halata
Ang kulay o kung ga'no kakapal ang kanyang mukha
Dalawang kamay, dalawang paa pero utak talangka
Siya ay matangkad o pandak, payat, pwedeng mataba
'Pag 'di mo siya kilala sa tingin, 'di mo halata
Ang kulay o kung ga'no kakapal ang kanyang mukha
Dalawang kamay, dalawang paa pero utak talangka
[Outro: Gloc-9]