[Chorus: Kat Agarrado & Ron Henley]
Ang mga butas sa pader ay nakatingin
Mababang kisame ay nakikinig
Sementong sahig ay niyayanig ng mga tawa't pagluha
'Di man umiikot, ito'y nalibot na
Dahil meron lamang apat na kanto
Itong mundong hugis parisukat
[Verse 1: Ron Henley]
'Di mo ko kinikibo, tapik na ko nang tapik
Nagpadala ng puso, umaasang may bumalik
Sanay na nga ba 'yung sugat sa patak ng kalamansi?
Nung naiputan niya, sariwa pa rin sa'kin 'yung hapdi
Subukan ko kayang mangyurak ng damdamin
Wala rin, konsensya ko naman 'yung uupak sa akin
Wala nang takas sa masamang lasa ng nicotine
Napapraning na rin sa t'wing may babagsak na figurine
Basag na 'yung katahimikan sa mundo kong nasa plato
Detalyado kong ginuhit ang sagrado na kwadrado
Kusang 'di ko na kailangan ng matataas na grado
May mga mata ng kuwago sa sulok ng bawat kanto
Marunong magpatawad pero 'di nakakalimot
Saksi ang guhit sa palad kung pa'no mo pinaikot
Sa mundo kong ito, 'di mo na 'ko mabibilog
Tiyak lulutang 'yung basurang itinapon mo sa ilog
[Chorus: Kat Agarrado & Ron Henley]
Ang mga butas sa pader ay nakatingin
Mababang kisame ay nakikinig
Sementong sahig ay niyayanig ng mga tawa't pagluha
'Di man umiikot, ito'y nalibot na
Dahil meron lamang apat na kanto
Itong mundong hugis parisukat
[Verse 2: Loonie]
Mga makabagong aparato at teknolohiyang moderno
Kailangan kong magka-gano'n, ayokong mahuli sa kwento!
Dala-dalawa na ang telepono, 'di pa rin kuntento
Puro lamang sarili trato at pasikat sa komento
Alam mo bang alam nila ang buong pangalan mo kumpleto?
Araw ng kapanganakan, trabaho mo pati suweldo
Kasi trenta porsyentong rason kaya 'to inimbento
Para madali lang tayong matiktikan ng gobyerno
Kalayaan sa dayuhan ay pilit na pinaglaban
Para lamang maging alipin ng kahirapan
Parang salamangkerong pinapili ang nanonood
Kanan man o kaliwang kamay, siya pa rin ang siyang nasusunod
Madalas tayong nauutakan ng ating napupusuan
Ngunit sa bawat pagbagsak ay may kapupulutan na mga aral
Na dapat maaga mong natututunan
Tulad nang 'di ka malaya, malawak lang ang kulungan
[Chorus: Kat Agarrado & Ron Henley]
Ang mga butas sa pader ay nakatingin
Mababang kisame ay nakikinig
Sementong sahig ay niyayanig ng mga tawa't pagluha
'Di man umiikot, ito'y nalibot na
Dahil meron lamang apat na kanto
Itong mundong hugis parisukat
[Bridge: Kat Agarrado]
Wala na akong ibang mahihiling pa
Sa sulok ng mundong ito
Kapiling kita, oh, sinta
Bakit ba sa t'wing pinapalaya mo?
Labas-pasok pa rin ako
Sa bilangguang nakasanayan ko, woo-ooh, ooh-ooh
[Verse 3: Ron Henley, Loonie]
Gustong kumawala ng kamalayan, 'di sanay na palaging gala
Maghapong kayod nang kayod para lang may gatang mapiga!
Lansangang maraming daga, basa, maingay na talipapa
Kulang 'ata ang tamang salita upang maitama ang mga maling nagawa
Sa sinasabi ng iba, 'wag ka masyadong magbabalewala
Marami ng buhay ang nababalewala, napariwara
Kamatayan lang ang makakapagkalas ng mga tanikala
Makakatakas ka lamang sa parisukat, kapag nakahiga ka na sa parihaba
[Instrumental Break]
[Chorus: Kat Agarrado & Ron Henley]
Ang mga butas sa pader ay nakatingin
Mababang kisame ay nakikinig
Sementong sahig ay niyayanig ng mga tawa't pagluha
'Di man umiikot, ito'y nalibot na
Dahil meron lamang apat na kanto
Itong mundong hugis parisukat