Loonie
Ganid
[Chorus]
Ang dami, dami, dami, dami, dami, dami ng
Lalapit, lapit kahit pangit mga atake, mang—
Gagamit, gamit ng sabit 'di akalain na
Kapit sa anit ng langit ang pagkaganid niya
Ang dami, dami, dami, dami, dami, dami ng
Lalapit, lapit kahit pangit mga atake, mang—
Gagamit, gamit ng sabit 'di akalain na
Kapit sa anit ng langit ang pagkaganid niya

[Verse 1: Loonie]
Da-dami, dami, dami, dami mo namang mga taga-hanga, talented ka pala
Hindi lang sa battle, hanep din sa kanta, may manager ka na ba?
Grabe na talaga, dapat nga may sarili ka ng billboard sa EDSA
Mga guesting kay Vice Ganda, 'wag ka mag-aalala, ako ang magpapaikot ng pera
Taga-ipon ng benta para 'di ka makalimot, ako ang taga-bilog ng petsa
Maraming aangal, taga-higop ng pwersa, lagare bakal, taga-ikot ng fiesta
Taga-bayad ng payola, taga-hilot ng pyesa, hahamigin lahat nang nakapalibot sa mesa
Kabisado ko na, lahat ng pasikot-sikot ng nakakahilong sistema
Kaya kung ako sa'yo, 'wag ka na magpa-bebe pa
Bibigyan kita ng bagong cellphone na may camera para makapag-selfie ka
Orig na mga damit, walang replika tapos dadalhin kita sa America
Ipapa-collab kita kay Fetty Wap, international mala-Jose Rizal
Talagang heavy-gat, galawang Demigod, kahit kailan 'di ka na magpe-pedicab
Hatid, sundo ka ng kotse sa hellipad, kung ayaw mo pa rin pumayag, eh 'di 'wag
Ang importante dapat happy ka, papalakasin pa kita parang makina
Basta pirmahan mo lang 'to lahat, bawat pahina, 'wag mong basahin, huh
[Chorus]
Ang dami, dami, dami, dami, dami, dami ng
Lalapit, lapit kahit pangit mga atake, mang—
Gagamit, gamit ng sabit 'di akalain na
Kapit sa anit ng langit ang pagkaganid niya
Ang dami, dami, dami, dami, dami, dami ng
Lalapit, lapit kahit pangit mga atake, mang—
Gagamit, gamit ng sabit 'di akalain na
Kapit sa anit ng langit ang pagkaganid niya

[Verse 2: Ron Henley]
May pera ka daw na dumating nitong Martes
Kaso lang sa 'sangdaan ni Taguro, bibiyak pa ng trenta si Ginoong Valdez
Wala na atang mas lulupit, mang-iipit sa gitna ng mga guhit, kudlit, gitling, at tuldok, kuwit
Talagang halatang mang-uumit, puro hit pa'no pa 'to maitutuwid
Naglagay ka sa plato ng puro hit kaso platito lang ang bumalik
Para makuha magmakaawa ka muna ng may matang nagtutubig
Paraiso para sa mga garapata ang ulo lang ay paa tsaka pata
Pagkakita nila sa'kin na bata pa, swak sa, kasa kahit nilagyan ng atsara
Kumapit sa kamay, gumapang hanggang siko, hindi mo makikita sa kapal ng balahibo
Ngunit amoy ko agad ang pangnginatis na motibo, 'di porket asal Azkal, hindi na matalino
Ako ay napasugod, apat na sulok ng kwarto ang aking nasuyod
Huli ko sila, sa akto hubo't hubad sa kumot, nagpapaligsahan mga kuto at surot
Puro asungot ang nakakasalamuha, 'eto ba ang nakukuha sa paglalakad sa lupa?
Pakiusap tirhan niyo 'ko ng dugo, binigyan kong kapiraso, tinangay pa 'yung buo
At kung nakaisa ka man sa akin, maaaring naka-tyamba
Dinilang paa na lang baka nakakalimutan mo na mas mabilis ang karma, uh
[Chorus]
Ang dami, dami, dami, dami, dami, dami ng
Lalapit, lapit kahit pangit mga atake, mang—
Gagamit, gamit ng sabit 'di akalain na
Kapit sa anit ng langit ang pagkaganid niya
Ang dami, dami, dami, dami, dami, dami ng
Lalapit, lapit kahit pangit mga atake, mang—
Gagamit, gamit ng sabit 'di akalain na
Kapit sa anit ng langit ang pagkaganid niya

[Verse 3: Loonie]
Kailangan na nating magising sa kanilang mga balak na maitim
Panay hassle na mga processing, panay promise sa mga promising
Tyaka aanhin ko 'yang photoshoot sa magazine, kung 'yung pera ko wala pa rin
Bakit tila 'di madinig ang mga daing? 'Di ko na rin alam ang aking gagawin
Nakakapraning, mga magnanakaw nang palihim, mga mandarambong na may marketing
Ang mga sakim, tumitira habang walang nakatingin
'Di ko napapansin na 'yung publishing, naibenta na pala nila sa "Magic sing"
Wala man lang kinita ni katiting, kung sino kusinero siya pa 'di nakatikim
Ngayon bilang magulang, halos lahat ng raket ay pinapatulan
Sumasakit lalamunan ngunit ang aking kinikita tila ba kulang
Tanghalian hapunan, sardinas ang ulam, sino nga bang 'di mabibilaukan sa 'di mabilang na utang?
Nagtatanong sa kapalaran, bakit pinagdamutan?
Gusto ko nang makalabas sa aking pinapasukan, layasan ko kaya, tignan ko kung 'di matauhan
Dapat matagal ko na silang pinakasuhan, 'di man lang sinapatusan, 'di man lang pinabaunan
Ang kapal ng mga mukha, 'di ko 'to sinang-ayunan, isa sa pinaka-unang pinangakuan
Kinalaunan, daig pa 'ko nang binalatuhan, pinag-planuhan ng mga pasistang dayuhan
Oportonistang madupang sa kanilang bakuran, lang pala mapupunta, lahat ng aking pinagpaguran
Putangina