Loonie
Ultrasound
[Intro: Loonie]
Budz, peram ng lighter
Budz, peram ng lighter
Oo nga pala nag-s-scratch ka, haha
Loonie, good shit
Nakakatawa talaga kayo
Ano ba? Nangangamusta lang
Kamusta, kamusta?

[Verse 1: Loonie]
Kamusta na ang hip-hoppan, tapos na ba ang hidwaan?
'Yung bagong CD ni Loonie, labas na ba sa tindahan?
Malakas ba ang bentahan? Mahusay ba? Baka hindi na
Sinong mga tinira, gusto niyo ng intriga?
Si FlipTop observer ang unang puntirya
Sabi sa'kin ni Smugg "'Wag na kasi sayang lang 'yung tinta"
F, U-F-O, F na F mo namang mag-obserba
Porket 'yung mga putapets sa internet tawag sa'yo sir na?
Kung wala ka pang karanasang sumampa sa anumang entablado
Wala ka ring karapatang umasta na parang ganap na hurado
Naka-maskara ka, kaya ang kapal ng mukha mo, 'wag kang abusado
Malamang isa kang in-denial na fan na pangarap akong ka-collabo
Pero bago ang lahat