[Chorus: JRLDM]
La-la-la-la, la-la-la, la-la-la-la, pansamantala lang
[Verse 1: JRLDM]
Pansamantala lamang ang amats ng alak
'Di ko mapatay ang dapat, kahapon dapat
Nais ko nang tapusin ang lahat nang dahan-dahan
Wala namang papayag kung sakaling magpaalam
La-la-la-la, la-la-la, la-la-la-la, pansamantala lang
Mukhang mabuti pa na 'wag na lang na huminga
Kung pareho lang naman sa pagkalunod
Lahat ng galit na ito, galit sa mundo nais masunog
'Pag nawawala na ang tama ay 'di ko na alam
Sasabihin ko pa ba kung hindi mo rin alam kung anong pakiramdam
Dahan-dahan lang na gumuguho ang mga bagay-bagay
Sinungaling ang ginto, 'di rin magtatagal nakatago pala
Sa pansamantala
[Chrous: JRLDM]
La-la-la-la, la-la-la, la-la-la-la, pansamantala lang
La-la-la-la, la-la-la, la-la-la-la, pansamantala lang
Pansamantala lang mu—
Ang mga bagay-bagay
[Verse 2: Loonie]
Usok ang agahan, alak ang pananghalian
Hinahanap-hanap amat na panandalian
Lutang, walang balak makipaglaliman
Tila isdang hinampas ng dagat sa dalampasigan
Pansamantalang mga ligaya, 'di ko alam kung ba't 'di ko maiwan
Walang hanggang saya, ang pinakamalungkot na kasinungalingan
"Ba't ako umiinom?" tama kutob mo, para lunurin ang demonyong nasa loob ko
Naging banyaga sa sarili kong bansa, napilitan gumawa ng sarili kong mundo
Aaminin ko sa'yo, tinititigan ko ang bukas na mata sa mata para lang makahiram ng saya sa kaniya
Kaya 'wag ka nang magtaka kasi ganyan talaga
Pinakamalaking pagkakamali na aking nagawa ay ang mawala sa piling mo
'Di naman ako nagmamadali kaya dahan-dahan kong pinapatay sarili ko
Pumunta sa ka-tropa ang sabi niya sa akin
"Kumusta ka na kosa? Ubos na ba ang droga? Sundot muna ng coca"
Malapit ng magunaw ang mundo na corona
Mamamatay tayong sabog, umulan man ng bomba
[Outro: JRLDM]
La-la-la-la, la-la-la, la-la-la-la
Pansamantala lamang ang amats ng alak
'Di ko mapatay ang dapat kahapon dapat (Pansamantala)
Nais ko nang tapusin ang lahat ng dahan-dahan
Wala namang papayag kung sakaling magpaalam
La-la-la-la, la-la-la, la-la-la-la, pansamantala lang
Pansamantala lang mu—
Ang mga bagay-bagay