[Verse 1: Loonie]
Limitado ang renta natin sa planeta
Nasasayang sa mga bagay na walang kwenta
Kung pinanganak ka ng dekada otsenta
'Wag ka nang umasang umabot ka pa ng nobenta
Alaala na ang kabataan ang saya-saya
Hanggang sa ang barkadahan ay nagkaniya-kaniya
'Di na mapaghiwalay 'pag nagdikit silang lima
Hanggang sa tumanda at nagkapamilya na sila
Dating magkatropa, mga trip ay nag-iba
Tsaka na lang nakumpleto nung libing na nung isa
May langit nga ba? Pa'no kung wala?
Nasayang lang ang buhay mo sa kakatingala
Kakahintay sa gantimpala't himala
Sumabay sa sablay na paniniwala ng madla
Pasok sa paaralan, maghapong tulala
Hanggang sa makatapos pero trabaho ay wala
Tatambay maghapon na mabahong paa
Oras na para bumangon, aba
Palagi ka na lang nakahiga, kahapon ka pa
Maraming oras para d'yan kapag nasa kabaong ka na
Sasayangin mo kaya ang segundo kahit isa
Kung alam mo na kung ilan na lang ang natitira?
Ano kaya sa mga ugali mo mag-iiba?
Kung alam mo na kung kailan ang huli mong hininga
Habang buhay ka ba mananatiling nakatanga?
Anong gusto mong gawin? Nakapili ka na ba?
Napakaikli, nakakabitin talaga
Sulitin mo na habang humihinga ka pa
Gamit ang lapis sa bulsa, ako'y mag-iiwan ng marka
Na 'di maaring mabura subalit aking napuna
Ang gusto ng karamihan ay sa langit mapunta
Ngunit bakit walang nais mauna?
[Chorus: Loonie]
'Di ka pwedeng hindi magpaalam
Dahil ang buhay natin ay hiram lang
Nilukso ko ang kalawakan
Nais kong lasahan ang hiwaga ng halaman
Ipakita sa akin ang mundo nang makulayan
Sundan ang liwanag, gisingin ang kamalayan
'Di ka pwedeng hindi magpaalam
Dahil ang buhay natin ay hiram lang
Nilukso ko ang kalawakan
Nais kong lasahan ang hiwaga ng halaman
Ipakita sa akin ang mundo nang makulayan
Tuklasin ang lagusan pabalik sa pahiraman
[Verse 2: Ron Henley]
Nais nang ilan, wala nang sulian
Ayaw pang bitawan ang kanilang nakagawian
Habang 'yung iba naman, naghanap ng dahilan
Nagdiwang umaasang merong ulitan
Bigay man o hiram, ano mang kahulugan
Susulitin ko na lang kasi bibihira lang namang
Mangyari sa kaluluwa ang ganitong klase ng karanasan
Pa'no nga kaya kung nakatago lang pala
Sa bungo ang susi ng kaharian
Para lalo mong masaksihan
Dapat ay bukas ang puso at payapa ang kaisipan
Kung tayo ay gawa sa putikan
Nandito ba tayong lahat para lang mahulma
Pero nakatulog lang sa sinehan
Paggising ang palabas ay magtatapos na
Ka-kamusta, kasi kung mga pinapatulog na minsan kapus pa
Ngunit sa lakas nang pagbagsak parang bola
Gano'n din kataas ang pagtalbog niya
Kung ang buhay sinusukat sa segundo
Meron tayong tig-iisang minuto
Sa'n mo gagamitin ang mga natitirang ginto mo?
Madadala mo ba lahat 'yan pagdating sa dulo?
'Pag nand'yan na 'yung sundo mo?
Nagsitalinuhan na tayong lahat
Marami-rami na rin ang kinukumplika
Makapag-umpisa bago tayo magtapos papunta
Din lahat do'n, 'di ba?
Kaya mga nagmamalinis, nagmamabango, bahala kayo
Magkikita-kita rin tayo sa pagiging abo
Basta ako sisindi ng damo
Makikilanghap ka lang sa hinihinga ko, haha
[Chorus: Ron Henley]
'Di ka pwedeng hindi magpaalam
Dahil ang buhay natin ay hiram lang
Nilukso ko ang kalawakan
Nais kong lasahan ang hiwaga ng halaman
Ipakita sa akin ang mundo nang makulayan
Sundan ang liwanag, gisingin ang kamalayan
'Di ka pwedeng hindi magpaalam
Dahil ang buhay natin ay hiram lang
Nilukso ko ang kalawakan
Nais kong lasahan ang hiwaga ng halaman
Ipakita sa akin ang mundo nang makulayan
Tuklasin ang lagusan pabalik sa pahiraman
[Verse 3: Ron Henley]
Buhay 'sing iksi ng gitling sa lapida
Isang regalo na malaman t'wing umaga
Ako'y nagigising at humihinga
Naibahagi ko ba ang kaligayahan para sa iba?
Natagpuan ko rin naman kaya para sa sarili ko at nakapagtira
Baka tayo'y parang mga dahon lang
Na ang misyon ay ang magpataba sa lupa
Para may matibay na maapakan ang mga susunod
Na magiging binhi, supling at utak
Nung ako'y namasukan, naghintay ako ng pitong linggo
Para maging ganap na nilalang, gano'n din ba sa paglisan?
May apatnapu't araw pagkatapos nang pasiyam?
[Verse 4: Loonie]
Kahapon na ngayon, kapag bukas ay dumaan
Dahil sa kakatingala mo sa prutas sa ubasan
Bawat segundo'y mahalaga, 'di mo alam
Kung ilan na lang ang nasa orasan
Natin papuntang impyerno ang mga pangarap kong daan
Meron ba talagang buhay na walang hanggan?
Maililigtas ba 'ko ng santo sa'king ulunan?
Makakapasok ba ako sa palasyo sa kaulapan?
At kung tunay 'yan nasa banal na kasulatan
Ang paanyaya ni Kamatayan ay papaunlakan
Ano kayang pakiramdam, 'pag ako naman ang haba ng pila
Sino kayang nasa unahan?
Walang permanente sa mundo, alam ko 'yan
Kaya nais kong pumanaw na may kabuluhan
Ang buhay tulad ng lahat ay may katapusan
Wala ka nang magagawa kung hanggang do'n na lang
[Chorus: Loonie, Ron Henley]
'Di ka pwedeng hindi magpaalam
Dahil ang buhay natin ay hiram lang
Nilukso ko ang kalawakan
Nais kong lasahan ang hiwaga ng halaman
Ipakita sa akin ang mundo nang makulayan
Sundan ang liwanag, gisingin ang kamalayan
'Di ka pwedeng hindi magpaalam
Dahil ang buhay natin ay hiram lang
Nilukso ko ang kalawakan
Nais kong lasahan ang hiwaga ng halaman
Ipakita sa akin ang mundo nang makulayan
Tuklasin ang lagusan pabalik sa pahiraman
'Di ka pwedeng hindi magpaalam
Dahil ang buhay natin ay hiram lang
Nilukso ko ang kalawakan
Nais kong lasahan ang hiwaga ng halaman
Ipakita sa akin ang mundo nang makulayan
Sundan ang liwanag, gisingin ang kamalayan
'Di ka pwedeng hindi magpaalam
Dahil ang buhay natin ay hiram lang
Nilukso ko ang kalawakan
Nais kong lasahan ang hiwaga ng halaman
Ipakita sa akin ang mundo nang makulayan
Tuklasin ang lagusan pabalik sa pahiraman