[Chorus]
Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina
Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina
Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina
Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina
[Verse 1: Toney Chrome]
Dito sa Maynila nakikipagsagupaan
Kahit mainit tumutulo ang pawis parang kandila
Kailangang magtrabaho, kailangan din sumuyod
'Di iindahin, dire-diretso pa rin hanggang mapagod
'Pagkat kailangan may mauwi na grasya
Pero konting ingat, didistansya sa disgrasya
Maraming bagay na 'di inaasahan
Sa Maynila, akin na 'tong napatunayan
May magandang pangyayari't merong malungkot
Magmasid-masid para malaman ang sagot
Sa mga katanungang namuo sa'yong isipan
Simula't sapul na mulat ka sa ka-Maynilaan
Kailangang pag-aralan mamuhay at umasta
Dito sa kapitolyo ng Pilipinas ang buhay ay 'di basta-basta
Kaya kung aalis ka dito ay babalik ka rin
Alinyam ang Maynila kung babaliktarin
[Verse 2: Ron Henley]
'Di ko namalayan na umaga na pala
At namumula pa ang mga mata
Anak bangon na may pasok ka
Anong oras na alais sais pasado na
Isang araw na naman ang pakikipag sapalaran
Ng mga paang nakikipag-apakan
Nakikipag-patintero, nakikipag-unahan
Sa masasakyang jeep na magdaraan
Badtrip, bakit laging traffic?
Bakit ganito naging kulay abo ang langit?
Nakakabinging ingay sa lungsod
Sa sobrang siksikan 'di ka maka-usog
Binunggo mo na nga ako, ikaw pa ang galit
'Di kita inaano, 'wag ka makulit
Para makatakas sa siyudad na kay lupit
Sisindi na lang ako hanggang sa mapapikit
[Chorus]
Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina
Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina
Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina
Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina
[Verse 3: Mike Kosa]
Oh, mahal kong Maynila anong tunay na mukha
Na kung hindi ka kakahig ay hindi ka tutuka
Sadyang kami ay dukha o napabilang lang kami
Nagtatrabaho ng umaga, maghapon hanggang gabi
Makadiskarte lang kahit na kung minsan ay pagod
Hindi iniinda kahit magkanda-kuba ang likod
Sunod sa agos, nagbabakasakaling makaraos
Na kung matapos man ito ay uuwi akong may galos
Merong sugat sa kamay, dulot ng paghihintay
Na ibigay ang huling pamana sa'kin ni inay
Pero 'di madaling mabuhay sa hingi-hingi
Sa dami mong sinusubuan, 'di mo na magawa pang ngumiti
Kahit matutulog ka na sa isip mo biglang sasagi
Na bukas ay maniningil ng upa ang may-ari
Ng bahay kaya kumilos hanggang may buhay
Kung sitwasyong ganyan palagi, 'di ka ba masasanay
[Verse 4: J-Skeelz]
J-Skeelz ang makatang bente sais anyos
Mahusay, malupit naman kaso 'di rin nakatapos
Ng pag-aaral kinapos si tatay at si nanay
Dito sa barangay puro tambay do'n ako sinanay
Nagiging sa ingay ng mga kapitbahay
Wala 'kong magawa kasi nga dikit-dikit ang bahay
Magtiis para masanay sa gutom para mabuhay
Dito sa lungsod na may kritikal na pamumuhay
Kung pupwede nga lang tumakbo 'kong presidente
Dito sa Maynila may milyon-milyong residente
Kalyeng takaw aksidente, nagkalat sa Maynila
Mandurukot 'pag nandukot may asar pa sabay dila
Kaya ingat sa makipot na kalye kapag umikot
Baka ka maligaw sa dami ng pasikot-sikot
Pero pipiliin ko pa rin dito na manirahan
Sa Maynila kasi madaming pwedeng pagka-perahan
[Chorus]
Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina
Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina
Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina
Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina
[Verse 5: Loonie]
Halika na't sumugod sa karagatan ng alikabok at usok nalalampasan
Ang kahit anong pagsubok, humawak ka lang
Higpitan mo lang ang kapit, tibayan mo lang
'Wag na 'wag kang mangangawit
Ang mga peklat mo ang magsisilbing patunay
Madaling mamatay kasi mahirap na ang buhay
Kailangang kumilos, kailangang kumita
Pilipinong pinipilit pilipitin ang dila
Walang kape sa mesa, walang kapera-pera
'Pag gan'tong taghirap dapat wala ng teka teka
Teka, teka, teka muna sadali
Mauunahan ka ng oras pag hindi ka nagmadali
Dapat mabilis at matulin na parang bus patungong Baguio
Wala nang atrasan kasi pinutol ko ang kambyo
Tapos 'yung preno mahina, 'yung makina maingay
Sa Metro Manila talagang matira matibay