Loonie
Kapayapaan
[Intro: Loonie]
Sa t'wing lagay ay alanganin, ang dalangin sa Ama
Katatagan para tanggapin ang mga bagay na 'di na maiiba pa
At katapangan para baguhin ang maaari pa maisalba
At karunungan upang matutunan ang pinagkaiba ng dalawa

[Chorus: KV & Donnalyn]
Sinusubukan ko naman na kumalma
Pero ba't gano'n nagsikalat mga ubod ng tanga
Kaliwa't kanan sila'y nagmamanman, talagang susubukan ka
Pero 'di ko papabayaan ang sarili kong kapayapaan

[Verse 1: Loonie]
Nanghahatak pababa, ang alimango sa timba
Kapwa kababayan itatrato kang iba (Iba)
Imbes na itaas ka, ibabash ka pa nila
Tapos biglang magiging fans 'pag international ka na (Wow!)
'Wag mo na lang pansinin para 'di ka naa-annoy
Naiinis, nababaliw, napaparanoid
Kapag pinatulan ang istupidong lasing na nagma-maoy
Parang sinabuyan mo ng tubig ang mantikang nag-aapoy
Handa na, boy, maraming sasalubong sa daluyong
Mga dudong na akala mo marurunong
Panay gusto lang ay tensyon para maugong
Mga patay gutom sa atensyon dapat pinapatay sa gutom
[Chorus: KV & Donnalyn]
Sinusubukan ko naman na kumalma
Pero ba't gano'n nagsikalat mga ubod ng tanga
Kaliwa't kanan sila'y nagmamanman, talagang susubukan ka
Pero 'di ko papabayaan ang sarili kong kapayapaan

[Verse 2: Loonie]
Sa panahon ng internet, uso ang pamumuna
'Di pwedeng laging init ng ulo ang nauuna
Bago ka magsisi, sa dulo dapat matuto kang
Maging payapa ang isip, ang puso at kaluluwa
Maraming magpapapansin para lang makatabi
Dapat wala kang pake, magpaka-lalaki ka, p're
Hayaan mo sila, 'wag ka na lang gumanti
Kalaban niya sarili niya, 'wag mong bigyan kakampi
At hindi ka lang sisiraan, sisirain talaga
Hihilain pababa, titirahin sa kanta
'Di na dapat ginawa, pinangalandakan pa
Ita-tag pangalan mo para itatag pangalan niya
Kaya 'pag nagagalit, ang dalangin sa Ama
Katatagan para tanggapin ang mga bagay na 'di na maiiba pa
At katapangan para baguhin ang maaari pang maisalba
At karunungan upang matutunan ang pinagkaiba ng dalawa, talagang

[Chorus: KV & Donnalyn]
Sinusubukan ko naman na kumalma
Pero ba't gano'n nagsikalat mga ubod ng tanga
Kaliwa't kanan sila'y nagmamanman, talagang susubukan ka
Pero 'di ko papabayaan ang sarili kong kapayapaan
[Outro: KV & Donnalyn]
'Di na para lumaban pa
Wala sa diksyonaryo ko na bumaba, ba-ba
Dekalidad mo hindi na para patulan pa
'Di na para lumaban pa
Wala sa diksyonaryo ko na bumaba, ba-ba
Dekalidad mo hindi na para patulan pa