Bandang Lapis
Itinagong Lihim
[Verse 1]
Nahihiya man akong ilahad sa iyo
Ang lahat ng nararamdaman
Puwede bang sandali lang
May sasabihin lang ako sa iyo
[Pre-Chorus]
Puwede bang ibulong ko ang nararamdaman
At pintig ng damdamin ko
[Chorus]
Ikaw ang laman ng puso ko
Ikaw ang nag-iisang pangarap ng buhay ko
Ikaw na lang sana, ikaw na lang sana
Ikaw na lang sana (Ikaw na lang sana) ang makapiling ko
Aking mahal, woah
Aking mahal
[Verse 2]
Ikaw ang hiling makasama habang-buhay
Dahil ikaw ang mahal, ikaw ang dasal
Na sana'y pagbigyan pagmamahal ko na kay tagal
Ibibigay ang lahat nang makasama ka lang, sinta
Makasama ka lang, sinta
[Pre-Chorus]
Pupuwede bang ibulong ko ang nararamdaman
At pintig ng damdamin ko, woah
[Chorus]
Ikaw ang laman ng puso ko
Ikaw ang nag-iisang pangarap ng buhay ko
Ikaw na lang sana, ikaw na lang sana
Ikaw na lang sana ang makapiling ko, woah
Aking mahal
[Bridge]
Oh, ikaw ay anghel na binigay ng langit
Aking natagpuan sa gitna ng pasakit
Subalit siya namang nagbigay ng ngiti sa akin
Kaya kung maaari dito ka na lang manatili
[Chorus]
Ikaw ang laman, woah, ng puso ko
Ikaw ang nag-iisang pangarap ng buhay ko
Ikaw na lang sana, ikaw na lang sana
Ikaw na lang sana ang makapiling ko
Aking mahal, woah