Cean Jr.
Ako at Ikaw, Diba?
[Verse 1]
Nakikiusap ako
Nagsusumamo
Huwag ka nang lumisan dahil
Lalamig, lulungkot
At ‘di na iikot
Titigil ang aking mundo

[Chorus]
Mahal, ako'y mahirap mahalin
Kuwento natin kay bigat
At kay hirap pa dalhin
Pero huwag ka bibitaw, huwag ka aayaw
‘Di ba’t sabi natin sa isa't isa
Ako at ikaw, ‘di ba?

[Post-Chorus]
Ako at ikaw, 'di ba?
Ako at ikaw

[Verse 2]
Nahihirapan ako
Harapin ang totoo
Alam kong nahihirapan ka
Mas mahirap lang kun’di tayong dal'wa
[Chorus]
Mahal, ako'y mahirap mahalin
Kuwento natin kay bigat
At kay hirap pa dalhin
Pero huwag ka bibitaw, huwag ka aayaw
‘Di ba't sabi natin sa isa't isa
Ako at ikaw, ‘di ba?

[Post-Chorus]
Ako at ikaw, 'di ba?
Ako at ikaw

[Bridge]
Natatakot ako
Sa hinaharap
Na baka wala ka
Hindi ko kaya
Nasanay na'ko
Na ika'y kasama
Hiling no’ng tayo’y mga bata pa
Sabay tayo tatanda

[Chorus]
Mahal, ako'y mahirap mahalin
Kuwento natin kay bigat
At kay hirap pa dalhin
Pero huwag ka bibitaw, huwag ka aayaw
‘Di ba’t sabi natin sa isa't isa
Ako at ikaw, ‘di ba?
[Post-Chorus]
Ako at ikaw, 'di ba?
Ako at ikaw

[Outro]
Bakit 'di na tayo masaya?
Bakit ba lumisan ka?
Diba’t sabi natin sa isa't isa
Ako at ikaw, 'di ba?