Healy After Dark
​ikaw
[Verse 1]
Pwede ka bang huminahon
At pakinggan ang iyong puso?
'Pag magkasama na tayo
'Di na kailangan matakot
Sa kalawakan tayo magsasayaw
Malayo sa mundong kay gulo
Sa lugar kung sa'n walang ibang mahalaga
Kung 'di ikaw at ako

[Chorus]
Kung 'di pa ikaw, eh sino pa ba?
Kung 'di man ikaw, walang gustong iba
Basta alam ko mahalaga ka
At sa buhay ko, ika'y magpahinga

[Verse 2]
Hindi ka ba sigurado
Sa nararamdaman mo?
'Wag na masyadong mag-alala
Damhin lang ang damdamin mo
'Wag munang alalahanin ang ibang bagay
Na 'di masyadong importante
Hayaan na lang dumaloy ang pagsuyo
Lilinaw din sa tamang oras
[Chorus]
Kung 'di pa ikaw, eh sino pa ba?
Kung 'di man ikaw, walang gustong iba
Basta alam ko mahalaga ka
At sa buhay ko, ika'y magpahinga

[Bridge]
Hindi ko rin alam kung nasisilayan nga ba ang dulo
Basta ibuhos na lang ang lahat ng pagmamahal ngayon, oh
Hindi ko kayang huminahon 'pag naririnig ang iyong puso
At magkadikit ang mga labi ay humihinto ang mundo sandali

[Chorus]
Kung 'di pa ikaw, eh sino pa ba?
Kung 'di man ikaw, walang gustong iba
Basta alam ko mahalaga ka
At sa buhay ko, ika'y magpahinga