Himig Heswita
Likhain Mong Muli
Ilikha mo kami ng 'sang bagong puso
Hugasan ang kamay na basa ng dugo
Linisin ang diwang sa halay ay puno
Ilikha mo kami ng 'sang bagong puso

Itindig mo kami, kaming iyong bansa
Akayin sa landas patungo sa kapwa
Ihatid sa piging na 'yong inihanda
Itindig mo kami, kaming iyong bansa

Amang D'yos
Iyong baguhin ang tao't daigdig
Sa banal na takot
Sambang nanginginig

Ibalik ang puso't
Bayang nanlalamig
Likhain mong muli
Kami sa pag-ibig