Himig Heswita
O Hesus, Hilumin Mo
O Hesus, hilumin Mo
Aking sugatang puso
Nang aking mahango
Kapwa kong kasimbigo

Hapis at pait Iyong patamisin
At hagkan ang sakit
Nang magningas ang rikit

O Hesus, hilumin Mo
Aking sugatang puso
Nang aking mahango
Kapwa kong kasimbigo

Aking sugatang diwa't katawan
Ay gawing daan
Ng 'Yong kaligtasan

O Hesus, hilumin Mo
Aking sugatang puso
Nang aking mahango
Kapwa kong kasimbigo