Himig Heswita
Gabing Kulimlim
[Refrain]
Pagsapit ng gabing kulimlim, naririto Ako
Papawiin Ko ang lumbay mo
Kukumutan ka ng saya
At aakayin Ko ang pagsikat ng umaga

[Verse 1]
Yakapin mo'ng kaloob Kong buhay sa iyo
Sa piling Ko, damhin mo ang mundo
Sa kapwa mo, muling mabibigo
Kapayapaan Ko lamang ang sasagip sa iyo

[Chorus]
Anumang tagal ng gabi, kasama mo Ako
'Di mo man tanto, narito Ako
Ang buhay Ko'ng nagdudulot ng buhay sa iyo
Kadilimang ito ay kakayanin mo

[Refrain]
Pagsapit ng gabing kulimlim, naririto Ako
Papawiin Ko ang lumbay mo
Kukumutan ka ng saya
At aakayin Ko ang pagsikat ng umaga