Himig Heswita
Ito Ang Araw
[Intro]
Ito ang araw na ginawa ng Panginoon
Tayo'y magsaya at magalak

[Refrain]
Ito ang araw na ginawa ng Panginoon
Tayo'y magsaya at magalak

[Verse 1]
Magpasalamat kayo sa Panginoon
Butihin S'ya, Kanyang gawa'y walang-hanggan
Sabihin ng sambayanan ng Israel
"Walang hanggan, Kan'yang awa!"

[Refrain]
Ito ang araw na ginawa ng Panginoon
Tayo'y magsaya at magalak

[Verse 2]
Kanang kamay ng Diyos sa'ki'y humango
Ang bisig N'ya sa 'kin ang tagapagtanggol
Ako'y hindi mapapahamak kailanman
Ipahahayag ko, luwalhati N'ya

[Refrain]
Ito ang araw na ginawa ng Panginoon
Tayo'y magsaya at magalak
[Verse 3]
Ang aking Panginoon, moog ng buhay
S'ya ang batong tinanggihan ng tagapagtayo
Kahanga-hanga sa aming mga mata
Gawain N'ya, purihin S'ya

[Refrain]
Ito ang araw na ginawa ng Panginoon
Tayo'y magsaya at magalak

[Outro]
Ito ang araw na ginawa ng Panginoon
Tayo'y magsaya at magalak