Himig Heswita
Pagmamahal sa Panginoon
[Chorus]
Pagmamahal sa Panginoon ay simula ng karunungan
Ang Kanyang kapuriha'y manatili magpakailanman

[Verse 1]
Purihin ang Panginoon, Siya'y ating pasalamatan
Sa pagsasama at pagtitipon ng Kanyang mga anak

[Chorus]
Pagmamahal sa Panginoon ay simula ng karunungan
Ang Kanyang kapuriha'y manatili magpakailanman

[Verse 2]
Dakilang gawain ng D'yos, karapat-dapat pag-aralan
Ng tanang mga taong sumasamba sa Kanya

[Chorus]
Pagmamahal sa Panginoon ay simula ng karunungan
Ang Kanyang kapuriha'y manatili magpakailanman

[Verse 3]
Kahanga-hanga ang gawa ng D'yos ng kal'wahatian
Handog ng kaligtasan, sa atin binibigay

[Chorus]
Pagmamahal sa Panginoon ay simula ng karunungan
Ang Kanyang kapuriha'y manatili magpakailanman
[Outro]