Himig Heswita
Pintig Ng Puso Ko
[Verse 1]
Musmos ka pa lamang, minahal na kita
Mula sa kawalan, tinuring kang anak
Sa bawat tawag Ko, ika'y lumalayo
Hindi mo ba batid, Ako'y nabibigo

[Verse 2]
Aking isasaysay, kung mararapatin
Sa una mong hakbang nang kita'y akayin
Binalabalan ka, matang masintahin
Kinakandong kita, animo'y alipin

[Chorus]
Pinagtabuyan mo Ako, pinagtulakan nang husto
Maglaho ka sa harap Ko, ngunit yaring pintig ng puso Ko

[Verse 3]
Matupok mang lahat sa buong daigdig
Hindi magmamaliw ang Aking pag-ibig
Panginoong Ako, at hindi alabok
Paano Ko kaya, ikaw malilimot?

[Outro]
Paano Ko kaya, ikaw malilimot?