Himig Heswita
Hesus Na Aking Kapatid
[Verse 1]
Hesus na aking kapatid, sa lupa nami'y bumalik
Iyong mukha'y ibang-iba, hindi kita nakikilala
Dulutan mo aking mata, mamulat sa katotohanan
Ikaw Poon makikilala sa taong mapagkumbaba

[Verse 2]
Hesus na aking kapatid, putikin man ang Iyong sapin
(Hesus na aking kapatid, putikin man ang Iyong sapin)
Punit-punit ang Iyong damit (Punit-punit ang Iyong damit), nawa ika'y mapasa-akin
Dulutan mo aking mata, mamulat sa katotohanan (Dulutan mo aking mata, mamulat sa katotohanan)
Ikaw Poon makikilala sa taong mapagkumbaba

[Verse 3]
Hesus na aking kapatid, sa bukid ka nagtatanim (Hesus na aking kapatid, sa bukid ka nagtatanim)
O sa palengke rin naman (O sa palengke rin naman) Ikaw ay naghahanap-buhay
Dulutan mo aking mata, mamulat sa katotohanan (Dulutan mo aking mata, mamulat sa katotohanan)
Ikaw Poon makikilala, ikaw Poon makikilala
Ikaw Poon makikilala sa taong mapagkumbaba