Himig Heswita
Dakilang Pag-ibig
[Refrain]
Dakilang pagibig, saan man manahan
D'yos ay naroon, walang alinlangan

[Verse 1]
Tinipon tayo sa pagmamahal ng ating poong si Hesus
Tayo'y lumigaya sa pagkakaisa sa haring nakapako sa krus

[Refrain]
Dakilang pagibig, saan man manahan
D'yos ay naroon, walang alinlangan

[Verse 2]
Purihi't ibigin ang ating D'yos na S'yang unang nagmamamahal
Kaya't buong pagibig rin nating mahalin, ang bawat kapatid at kapwa

[Refrain]
Dakilang pagibig, saan man manahan
D'yos ay naroon, walang alinlangan

[Verse 3]
Iwasan lahat ang pagkapoot, pag-aalinlanga't yamot
Sundin ang landasin ni Hesukristo, at ito'y halimbawa ng D'yos

[Refrain]
Dakilang pagibig, saan man manahan
D'yos ay naroon, walang alinlangan
[Verse 4]
Mapalad ang gumagalang sa D'yos at sumusunod sa kanya
Tatamasahin n'ya ang kanyang biyaya, pagpalain siya't liligaya

[Refrain]
Dakilang pagibig, saan man manahan
D'yos ay naroon, walang alinlangan