[Verse 1]
Mabuti naman dumaan ka't bumisita
Palagi kitang hinihintay sa tuwina
Buong akala ko'y nakalimutan mo na
Ang humawak at sumulat, paggamit ng pluma
Ang mahalaga, ikaw ay nagbalik
Parang tuyong pisnging uhaw na uhaw sa halik
Ng tinta sa papel na dumidikit
Simulan natin, ang mga mata mo'y ipikit
[Chorus]
Pintahan mo naman ako
Kuwentuhan ng panulat mo
(Kuwentuhan mo naman)
Kay tagal nang 'di nadinig
(Gusto kong muling matulig)
Salitang tumatagos sa dibdib
[Verse 2]
Pumasok sa silid na puno ng agiw
Sumasabay sa saliw
Ng lumang tugtugin, kaya marahil
Patutulisin ang panulat parang pangil
Tumatahol, nauulol
Pinupukol, bukol-bukol
Magmimintis, sumasapul
Maaga pa'y maghahabol
[Chorus]
Pintahan mo naman ako
Kuwentuhan ng panulat mo
(Kuwentuhan mo naman)
Kay tagal nang 'di nadinig
(Gusto kong muling matulig)
Salitang tumatagos sa dibdib
[Verse 3]
Akala ko noon ay sapat na
Lahat ng binigay, lahat ng pinusta
Lahat ng inabot, lahat ng kinanta
Minsa'y naglulustay, madalas nagsasalba
Kasi alam ko na hindi naman ito tate
'Pag 'di ka nag-sube, iiyak kang uuwi
Madalas mali ang tama, at ang tama ay mali
Kung 'di mo pa rin nakuha, pakinggan na lang uli
(Pakinggan sa tulay)
[Bridge]
Muli mong hawakan sa bewang ang lapis
Gumuhit ng letrang 'di kulang o labis
Umagos na oras, tuyo na ang batis
Na nilusungan ko
[Verse 4]
Halika, hawakan mo ang aking kamay
Ikaw na kasama ko no'ng ako'y sumasakay
Sa likod ng jeep, nakasabit na ngalay
At kahit masikip, magpipilit makasabay
Makauwi nang maaga, matuyo ang labada
Matagal pa ang sahod, baon magkasya pa sana
Kahit wala pa sa giyera, nag-iipon na ng bala
Ang mga kuwento na ito, alas ng mga baraha
Sa bagong kabanata
[Chorus]
Pintahan mo naman ako
Kuwentuhan ng panulat mo
(Kuwentuhan mo naman)
Kay tagal nang 'di nadinig
(Gusto kong muling matulig)
Salitang tumatagos sa dibdib