[Chorus]
Walang makakapantay sa luto mo, Linda
Laging nag-aabang sa ulam mong tinda
Huling-huli mo ang panglasa ko
Bumabalik-balik na parang halik sa labi ko ang pansit mo
[Verse 1]
Walang kapares ang pares
Magpapalodyis sa bopis
'Di malansang kalamares
Sa suka, toyo, sili, kamatis
(Timpla mo'y)
Tamang-tama, 'di labis ang siyang nalalasahan ko
Sana'y matikman kong muli ang panalong dinuguan mo
(Kahit anong gawin nila, sadyang)
[Chorus]
Walang makakapantay sa luto mo, Linda
Laging nag-aabang sa ulam mong tinda
Huling-huli mo ang panglasa ko
Bumabalik-balik na parang halik sa labi ko ang pansit mo
[Verse 2]
Ngunit bakit 'pag nagsasara ka na
Sa gabi'y kayakap mo'y ibang-iba?
May isang bagay pang nakapagtataka
Ewan ko, parang may ibang kwento 'to
[Verse 3, rap]
Hindi ko na napigil ang sarili nag tapat
Nabighani mo ako, kaya sinabi ko lahat
Ikaw ang kwento ng pag-ibig, ngalan mo ang pamagat
Nang mapungay mong mata ang sa akin ay kumindat
Nagpahatid ka sa akin, inalok ng tsaa
Tinitigan mo ako mula ulo hanggang paa
Umapaw ng pagtataka, ang bibig ko ay bumula
Kakaiba sa mga ulam mong tinda, alam ko na
Pinakbet mo si Ambet, tapos nilaga mo si Nilo
Inadobo si Badong, at minenudo mo si Dindo
Bakit sinisig mo si Cisiro, kinilawin si Edwin?
Akala ko kambing itong kalderetang Karding
Inigado niya si Guido, crispy pata na si Aga
Kumukulong sabaw, sinigang na Atoy sa tasa
Utak sa sopas na may kakaiba sa panglasa
Kaya naman pala ganun kalapot ang 'yong sarsa
Binulalo si Paulo, inihaw si Gardo
Mga putahe sa karinderya mo na palaging garbo
Ako na minechado, suki na ganado
Mga buto ko na pinakain mo sa aso
[Verse 4]
Ngunit bakit 'pag nagsasara ka na
Sa gabi'y kayakap mo'y ibang-iba?
May isang bagay pang nakapagtataka
Ewan ko, parang may ibang kwento 'to
[Chorus]
Walang makakapantay sa luto mo, Linda
Laging nag-aabang sa ulam mong tinda
Huling-huli mo ang panglasa ko
Bumabalik-balik na parang halik sa labi ko ang pansit mo
[Outro]
Bumabalik-balik na parang halik sa labi ko ang pansit mo