[Intro]
Ayaw ko nang gumising pa
[Chorus]
Di mo alam
Kung gaano ako kasaya ngayon
Kung alam mo lang
Ikaw ang langit ko magmula noon
Dito na lang
Ika'y pupuntahan san man naroon
Dahil ito lang
Ang pangarap ko na natupad (ngayon)
[Verse 1]
Maliwanag ang sikat ng araw
Kulay asul ang langit
Sino may walang makakaagaw
Iyong mga kamay ang kapit
Kahit ulanin man o umaraw
Kapag malayo ay lalapit
Dibdib ko'y nag uumapaw
Kayakap ka, 'yan ang sagot sa bakit
Pero
[Chorus]
Di mo alam
Kung gaano ako kasaya ngayon
Kung alam mo lang
Ikaw ang langit ko magmula noon
Dito na lang
Ika'y pupuntahan san man naroon
Dahil ito lang
Ang pangarap ko na natupad
[Verse 2]
Ayaw ko nang gumising pa
Pagkat ngayo'y kapiling ka
Ayaw ko nang gumising pa
Kapag ika'y kayakap na
[Verse 3, spoken]
Dampi ng 'yong balat, init tuwing nasa 'king tabi
Madilim may maaaninag mo ang aking ngiti
Halakhak ng tibok ng puso kong nakakabingi
Kaligayahang dala mo na hindi nabibili
Bukal ng labi mo lamang ang tanging makakapukaw
Kahit magunaw, natutunaw, lumulusaw ng uhaw
Ang halimuyak ng bulaklak mo, kahit walang pabango
Hinahanap hanap ko pagkalasing sa alak mo
Kung alam mo lang ang siyang nararamdaman ko
Kapag ako'y tinititigan nitong mga mata mo
Walang lugar ang gustong puntahan sa piling mo lamang
Malayo man o malapit kahit ano pang iharang
Lahat ay kakayanin, bubuhatin sakin iatang
Ikaw ang ikinakatakot at hugutan ng tapang
Sa mga bisig ko ay iingatan, dito ka lang
Kahit ano pang bumangga, harap man o paharang
Mahulog man sa bangin ang kotseng sinasakyan natin
Galing Banawe hinahawi, dumagan na buhangin
Hindi ako mumulat, ilang beses man na tawagin
Di bibitawan ang pangako na simumpaan natin
Ako lamang mag-isa, naisalba walang iba
Bakit pa iniwan ka rin naman pala nila?
Ayaw ko nang gumising pa, alam ko na wala ka na
Ayaw ko nang gumising pa sa katotohanan na