[Chorus: Hero]
Ipakita mo ang kaya mong gawin (ipakita mo)
Bulong-bulungan ay 'wag mo ng pansinin (huwag pansinin)
Wag lang basta tititigan kung anong gusto mong maging
Dapat lang na kilusan kung talagang may gustong marating
Malayo layo babyahehin
Laging baunin ang galing
Para kahit saan pumunta, handang handa
Kasi may pasabog kang dala
[Verse 1: Hero]
Dati akala nila madali ang magtantya
Kung gano karami dapat ang ibibigay na ibabagay mo sa kanila
Kaso panahon ay binabago talaga
Kinahiligan ko na pagbase sa iba
Di na pwede at bahala na sila
Magpapa-apoy ako ng bitbit ang gasolinang
Matatalinghaga na galing sa iba't-ibang bibig
Papuri at paghanga na sakin ay nagpapakilig
Pero lubos pa ring bilib ako sa mga 'di bilib
Yung pilit higit ng higit nang-gigitgit para makasingit
Teka parang gusto ko ulit baliin
Sa kakaibang tunog para kabisaduhin
Pupwede tayo duet, pwede mo rin solohin
Kung ano ang iyong trip, basta sasabayan mo ang beat
Ni Goodson (whoa), pang-malupitan (whoa)
Eto yung tandem na parang Robin at Batman (whoa)
Di mauubusan, malabong magutuman
Laging pasok sa panlasa ng masa, bawat ihain na ulam (kaya)
[Chorus: Hero]
Ipakita mo ang kaya mong gawin (ipakita mo)
Bulong-bulungan ay 'wag mo ng pansinin (huwag pansinin)
Wag lang basta tititigan kung anong gusto mong maging
Dapat lang na kilusan kung talagang may gustong marating
Malayo layo babyahehin
Laging baunin ang galing
Para kahit saan pumunta, handang handa
Kasi may pasabog kang dala
[Verse 2: Gloc-9]
Hindi ko alam kung anong narinig mo
Sa sinasabi ng iba na tunay na sikreto
Heto, pakinggan mo
Akin nang hinanap, ilan ang susing kinalap
Upang mabuksan ang mga baul na matagal ko nang ipinakalat?
Pinalaganap ang mga balak, kaalaman na palaging malaman
Di ako tumigil habulin kahit di matulin tuwing napag iiwanan
Ng mga may pera, pwera, kaya pwede ba tumabi ka na lang
Kung hindi mo naranasang magutom at mapalusong sa putikan?
Umiling, humiling, na sana'y makarating
Kahit walang pamasahe parang dati sa Kamuning (galing)
Kahit na sino ang tanungin, di ko gawain ang masamang tumingin
Di baleng mag-isa, hindi maaaning
Alam kong ang dala dala ko'y magaling
Kinabaliwan ko na dati 'to, pinabalatan ko na'ng mga libro
Kung inaakala mo na madali, madami na akong namali
Di lang ako pwedeng huminto sa ginto
[Chorus: Hero]
Ipakita mo ang kaya mong gawin (ipakita mo)
Bulong-bulungan ay 'wag mo ng pansinin (huwag pansinin)
Wag lang basta tititigan kung anong gusto mong maging
Dapat lang na kilusan kung talagang may gustong marating
Malayo layo babyahehin
Laging baunin ang galing
Para kahit saan pumunta, handang handa
Kasi may pasabog kang dala
[Outro: Hero]
Ipakita mo ang kaya mong gawin
Ipakita mo ang kaya mong gawin