[Intro: (spoken)]
Yeah
Marahil ay iniisip nyo kung anong klaseng awitin ang inyong maririnig
Gloc-9
May sasabihin lang ako
[Verse]
Sa bawat araw na aking pagmulat
Ay lagi kong tinatanong (lagi kong tinatanong)
"Ito ba talaga ang dapat na gawin?"
Puro balakid at puro pasakit ang sa aki'y ibinabato
Laging sumasalubong sa hangin
Subalit sa tuwing (Subalit sa tuwing)
Masisilayan ko (Masisilayan ko)
Ang dalawang buhay na saki'y iniregalo Mo
Naaalala ko ang tunay na pangalan ko
Batang taga-Rizal Aristotle Pollisco
Na daig pa ang tangkeng puno ng baril
Kapag kanya na nahawakan ang lapis at ang papel
Sumabay ka sa 'king mga
Salitang hindi bumabara
Metro na di kumakapa, tyempo na di nadadapa
Makinig ka sa 'kin
Sige subukan mong sabayan ang mga salitang aking binibitawan
Ang mga kalaban di nila malaman ang
Gagawin nang dumating mga pinakamagaling
Kaya bilisan mo, tumakbo
Makinig ka para maintindihan mo
Sa dinami-dami ng mga pinagdaanan namin nakabisado ko nang game na 'to
Alam ko na di mo kayang gawin
Kaya babagalan ko nang magsalita
Matangkad ka man saki'y nakatingala
Tuturuan kita kung pa'no dumura
Kahit kailanma'y di mo nalaman kung ba't ako nabubuang kapag hinawakan na ang
Parang itinutumba ng mga salitang
Nagmula sa mga kagamitang…
Simula nang aking malaman kung bakit ako'y natutong gumamit
Humawak ng lapis at papel at magpapalit-palit ng
Mga salitang hindi mo pa narinig sa ibang
Makatang humawak ng mikropono at para bang tuluyan nang nabuang
Sa kakaibang pag-agos ng boses
Matapos ang ilang beses
Na paulit-ulit isipin sabihin at kabisaduhin ang
Mga saloobing aking nais na maiparating
Sa pamamagitan ng isang awitin na hindi mo pwedeng baliwalain
Sa bawat hakbang ang mga katagang aking sinasabi at aking isinulat
Pilit kong binubuhat damdami'y maisambulat
Habang meron pa akong nalalabing kaunting panahon
Akin nang ilalabas sa kahon
Sandata ko sa mahabang panahon
Lapis at papel
Aristotle
Ang pangalan ko ay 'di madidiskaril
Kapag narinig ang sinasabi ng aking bibig ay parang humambalos ang mukha mo sa pader
Akala mo siguro ay 'di ko na kaya pang wasakin ang mga tula na isinulat mo
Ang mga mata na iminulat ko
Sige sagutin mong mga katanungan ko
Bago pa matapos
Sino ka para tapakan ang lupang aking tinapaka't ako ang naghari? (Hari)
Sino ka para gayahin ang mga salitang nagmula sa 'king mga labi? (Labi)
Sino ka para labanan ang mga nilalang na animo'y mga buhawi? (Hawi)
Sino ka?
Dahil sa 'king pagbalik anumang akin ay akin nang binabawi (Bawi)
[Outro]
Yeah yeah
Whooo
Gloc-9
Be rock
Yeah turbulence whoo
Check it