Gloc-9
Pa’no Kaya
[Intro: Gloc-9]
Sa t'wing nakikita kita
Ako'y napapaawit na
Pag-ibig kong para sa'yo
Ay dito na lang sa puso ko

[Chorus: Gayle Dizon]
Nasubukan mo na bang ma-inlove sa iba
Pero di mo magawa dahil meron ka na
('Di mo inakala na malilito ka)
Sino ba ang pipiliin sino bang nauna
Ano nga bang gagawin ano nga ba ang tama
Maari bang umibig ka nga sa dalawa
Paano na ito, nagkaganito
Ano na ang gagawin
Paano na

[Gloc-9]
Nasubukan mo na bang maranasan na
May mahal ka na at sya lang talaga
Di sinasadyang makilala mo
Ang babaeng nagpatibok muli ng puso mo
Alam ko na mali, pilit tinatanggi
Puso'y humahapdi kapag sya'y ngumingiti
Hanggang tingin na lang, 'pag kumakaway
Ang tanong na ibinubulong sa hangin ay
[Chorus: Gayle Dizon]
Nasubukan mo na bang ma-inlove sa iba
Pero di mo magawa dahil meron ka na
('Di mo inakala na malilito ka)
Sino ba ang pipiliin sino bang nauna
Ano nga bang gagawin ano nga ba ang tama
Maari bang umibig ka nga sa dalawa
Paano na ito nagkaganito
Ano na ang gagawin
Paano na

[Gloc-9]
Kung maibabalik ko lang ang mga kamay ng nakaraan
Ay susubukan ko
Nang makasama ka makilala ka
At malaman ang tunay na laman ng puso ko
Alam ko na mali, pilit tinatanggi
Puso'y humahapdi kapag sya'y ngumingiti
Hanggang tingin na lang, 'pag kumakaway
Ang tanong na ibinubulong sa hangin ay

[Bridge: Arnold Jr., Gayle Dizon]
Pa'no mo sasabihin
Na walang masasaktan sa kanilang dalawa (oh woah)
Ga'no kasiguradong
Pareho lamang ang timbang
Nilang dal'wa sa iyong puso
[Gloc-9]
Sana'y patawarin mo
Ang pag-ibig kong ito
Di ko inisip na sa 'kin ay mangyayari to
Di ko sinasadya na mahalin kita
Kung alam mo lamang ang tunay kong nadarama

[Chorus: Gayle Dizon, Gloc-9]
Nasubukan mo na bang ma-inlove sa iba
'Di ko inisip na sa 'kin mangyayari 'to eh
Pero di mo magawa dahil meron ka na
Kung ako ang tatanungin nyo
('Di mo inakala na malilito ka)
Mas gusto ko yung normal na buhay eh
Sino ba ang pipiliin sino bang nauna
Ano nga bang gagawin ano nga ba ang tama
Pero hindi ko alam kung bakit nung nakita ko sya
Maari bang umibig ka nga sa dalawa
Feeling ko
Paano na ito nagkaganito
High school ulit ako... haha
Ano na ang gagawin
Paano na (Bahala na)

[Outro: Gloc-9, Arnold Jr., Gayle Dizon]
Sa t'wing nakikita kita
Ako'y napapaawit na (pa ra ra ra rap)
Pag-ibig kong para sa'yo
Ay dito na lang sa puso ko (Pa'no kaya)
Sa t'wing nakikita kita
Ako'y napapaawit na (pa ra ra ra rap)
Di ko na alam ang gagawin
Wag mo lang ako tanungin ng

Nasubukan mo na bang
Sa t'wing nakikita kita
Nasubukan mo na bang
Ako'y napapaawit na (pa ra ra ra rap)

Ang pag-ibig kong para sa 'yo
Ay dito na lang sa puso ko (pa ra ra paano na)

Sa t'wing nakikita kita
Ako'y napapaawit na (pa ra ra ra rap)
Di ko na alam ang gagawin
Wag mo lang akong tanungin ng

[All]
Pan'o kaya