Gloc-9
Hinahanap Ng Puso
[Verse 1: Gloc-9]
Pasensya na aking mahal
'Di naman ako magtatagal
Nais ko lamang marinig mo ang bawat nilalaman
Ng puso kong ito, inaalay ko sa'yo
Dinggin mo sana mga sinasabi ng awitin ko
Pilitin mang ibalin at sa iba'y isalin
Ay 'di malimot ang halimuyak na hatid ng hangin
Nung una kang makita, hindi makapaniwala
Parang panaginip at langit aking nadarama

[Pre-Chorus: Gloc-9]
Nais kong malaman mong ikaw ay aking iniibig
Sana ay dinggin mo ang tibok nitong dibdib
Nais kong malaman mong ikaw ang nasa panaginip
At magkalapit agwat ng ating daigdig

[Chorus: Hannah Romawac, Gloc-9]
Hinahanap ng puso ang pag-ibig mo (Makinig ka sana sakin)
Hindi ito malilimutan ng pagmamahal at ligaya na dala mo (Laman ng aking damdamin)
Kung saka-sakali na kaya mo pang ibalik (Sige na, 'wag kang mag-alinlangan)
Ang dating pagtingin sa puso kong nananabik pa sa iyo, whoa-oh

[Verse 2: Gloc-9]
Ngunit ngayon alam ko na
Sadyang magkaiba
Ano nga naman ang hindi mo pwedeng makita sa kanya?
Merong magarang kotse
Wallet na doble-doble
Di tulad ko na di man lang makapanood ng sine
Sana'y malaman mo na mawala man ako
Ay may pag-ibig na laging gumagabay sa'yo
'Di ka pababayaan, laging aalagaan
Hanggang sa dulo ay tunay ang aking naramdaman
[Pre-Chorus: Gloc-9]
Nais kong malaman mong ikaw ay aking iniibig
Sana ay dinggin mo ang tibok nitong dibdib
Nais kong malaman mong ikaw ang nasa panaginip
At magkalapit agwat ng ating daigdig

[Chorus: Hannah Romawac, Gloc-9]
Hinahanap ng puso ang pag-ibig mo (Makinig ka sana sakin)
Hindi ito malilimutan ng pagmamahal at ligaya na dala mo (Laman ng aking damdamin)
Kung saka-sakali na kaya mo pang ibalik (Sige na, 'wag kang mag-alinlangan)
Ang dating pagtingin sa puso kong nananabik pa sa iyo

[Outro: Hannah Romawac, Gloc-9]
Hinahanap ng puso ang pag-ibig mo (Makinig ka sana sakin)
Hindi ito malilimutan ng pagmamahal at ligaya na dala mo (Laman ng aking damdamin)
Kung saka-sakali na kaya mo pang ibalik (Sige na, 'wag kang mag-alinlangan)
Ang dating pagtingin sa puso kong nananabik pa sa iyo, oh-oh