[Chorus: Sheng Belmonte]
Napakaraming guro dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira?
Napakaraming nars dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira?
[Post-Chorus: Sheng Belmonte, Gloc-9]
Nag-aabroad sila
Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
Nag-aabroad sila
Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
Nag-aabroad sila
[Verse 1: Gloc-9]
Lupa kong sinilangan, ang pangalan ay 'Pinas
Ngunit bakit parang puno na ang prutas ay pitas?
Nauungusan ng batas parang inamag na bigas
Lumalakas na ang ulan ngunit ang payong ay butas
Tumatakbo ng madulas, mga pinuno ay ungas
Sila lang ang nakikinabang pero tayo ang utas
Mga kabayan natin na lumilipad, lumalabas
Para pumunta ng ibang bansa at doon magtanas
Ng kamay para lamang magkakalyo lang muli
Ang pahinga'y iipunin para magamit pag-uwi
Dahil doon sa atin mahirap makuha ang buri
Mabahiran ng tsokolate ang matamis na ngiti
Ng anak na halos 'di nakilala ang ama
O ina na wala sa tuwing kaarawan nila
Darating kaya ang araw na ito'y mag-iiba
Kung hindi ka sigurado, mag-isip-isip ka na
[Chorus: Sheng Belmonte]
Napakaraming inhinyero dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira?
Napakaraming karpintero dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira?
[Post-Chorus: Sheng Belmonte, Gloc-9]
Nag-aabroad sila
Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
Nag-aabroad sila
Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
Nag-aabroad sila
[Verse 2: Gloc-9]
Mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan
Ang kapalaran ng lahat nang nakipagsapalaran
Kahit nag-aalangan para lang sa kapakanan
Ng mahal sa buhay, ang sugal ay tatayaan
Isasanla ang lahat ng kanilang mga pag-aari
Mababawi rin naman, 'yan ang sabi 'pag nayari
Ang proseso ng papeles para makasakay na sa eroplano
O barko kahit saan man papunta
Basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso
Ang isa ay katumbas ng isang dakot na mamiso
Ganyan ba ang kapalit ng buhay ng Pilipino
Lilisanin ang pamilya, aamo kahit na sino?
Gugutumin, sasaktan, malalagay sa peligro
Uuwing nasa kahon ni wala man lang testigo
Darating kaya ang araw na ito'y mag-iiba
Kung hindi ka sigurado, mag-isip-isip ka na
[Chorus: Sheng Belmonte]
Napakaraming kasambahay dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira?
Napakaraming labandera dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira?
[Post-Chorus: Sheng Belmonte, Gloc-9]
Nag-aabroad sila
Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
Nag-aabroad sila
Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
Nag-aabroad sila
[Verse 3: Gloc-9]
Subukan mong isipin kung gaano kabigat
Ang buhat na maleta, halos hindi mo na maangat
Ihahabilin ang anak, para 'to sa kanila
Lalayo upang mag-alaga ng anak ng iba
Matapos lamang sa kolehiyo, mututubos din ang relo
Bilhin mo na kung anong gustong laruan ni Angelo
Matagal pa kontrata ko, titiisin ko muna 'to
Basta ang mahalaga, ito'y para sa pamilya ko
[Chorus: Sheng Belmonte]
Napakaraming guro dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira?
Napakaraming nars dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira?
[Post-Chorus: Sheng Belmonte, Gloc-9]
Nag-aabroad sila
Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
Nag-aabroad sila
Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
[Outro: Sheng Belmonte]
Napakaraming tama dito sa atin
Ngunit bakit tila walang natira?