Gloc-9
Salbahe
[Chorus]
Lagot ka sa nanay mo
Palo ka na ng tatay mo
Ba't ganyan ang ugali mo
Huli ka, 'wag kang tatakbo
Mga salbahe, hindi kasali
Dun sa langgaman dapat itali
Mga salbahe, hindi kasali
Dun sa langgaman dapat itali

[Interlude]
Makinig sa mga kwento na kahit medyo inimbento
Malamang ay 'yan ang dahilan kung bakit ka nakikinig ng radyo

[Verse]
Mga kapit-bahay ko si Kadyo, ugali niya'y tabingi medyo
Sa umaga'y pabili neto, sabay tungga sa bote ng anyeho
Bakit di pa ikaw ang nadedo, yun pang kapatid mo na si Beto
Na wala nang ginawa kundi kumayod para ang maysakit kumpleto
Di tulad mo na lasenggo, palaging nasa basag-ulo
Ikaw ay suki ng kalaboso, ang laging nasa puno't dulo
Kadalasan pa ika'y bastos, di ka marunong magkuskos
Isip-bata ka pa sa musmos, mukha ka na parang may luslos
Kailan ka pa magbabago, eh paano?
Kung wala nang maniwala sa mga nagreklamo
[Pre-Chorus]
Alam ko ang pwede mong sabihin sa akin ay
'Wag kang makialam
At ang lahat ng mga nangyayari sa bahay
O buhay mo'y di ko alam
Pero pano ba yan, palaging tandaan
Ito ay kanta ko hindi ba?
Kaya wala ka nang magagawa
Narito na ang Tanya Markova

[Chorus]
Lagot ka sa nanay mo
Palo ka na ng tatay mo
Ba't ganyan ang ugali mo
Huli ka, wag kang tatakbo
Mga salbahe, hindi kasali
Dun sa langgaman dapat itali
Mga salbahe, hindi kasali
Dun sa langgaman dapat itali

[Interlude]
Makinig sa mga kwento na kahit medyo inimbento
Malamang ay 'yan ang dahilan kung bakit ka nakikinig ng radyo

[Verse]
Itong guro ko na masungit, pangala'y Ginang Buenaofra
Parang ayoko nang pumasok kasi kung makatingin ay parang kobra
Pinag-iinitan, ginigisa, ako'y animo'y talong na tinorta
'Di na nga matapos sa pagsusulit , wala pang makuha na suporta
'Pag minamalas ay merong batok, pag napalakas ay parang dagok
Kaliwa man o kahit na kanan, parang 3 points ni Ronnie Magsano
Ang pabaon lagi ay kurot , dapat mataas ang marka sa bunot
Buhok ay sanay na sa pagkasabunot kaya noo'y napako sa pagkakunot
Mawalang galang na po Ma'am, di po ba kayo makaramdam
Sino pong may sabing ang mga pananakit niyo'y parang kagat lang ng langgam?
[Pre-Chorus]
Alam kong pwede niyo po, sabihin sa akin ay wag kang makialam
At ang lahat ng mga nagyayari sa bahay o buhay mo'y di ko alam
Pero pano ba yan, palaging tandaan
Ito ay kanta ko hindi ba?
Kaya wala ka nang magagawa
Narito na ang Tanya Markova

[Chorus]
Lagot ka sa nanay mo
Palo ka na ng tatay mo
Ba't ganyan ang ugali mo
Huli ka, wag kang tatakbo
Mga salbahe, hindi kasali
Dun sa langgaman dapat itali
Mga salbahe, hindi kasali
Dun sa langgaman dapat itali

[Interlude]
Makinig sa mga kwento na kahit medyo inimbento
Malamang ay yan ang dahilan kung bakit ka nakikinig ng radyo

[Verse]
Pinakikilala ko sa inyo kaibigan kong si Onse
Kasi palaging may sipon, jumi-jingle dun sa kahit saang poste
At kahit pa sa edad na dose, madami na siyang nalooban na kotse
Palakad-lakad sa Mabalakad, nilalapitan kahit na sinong prospe
'De bang makahingi sa'yo ng kahit na konti, akin na'ng bente pesos
Kasi pambili ng gamot para po sa kapatid ko na si Remedios
Pero ang totoo po niyan, para hindi kumalam ang kaniyang tiyan
Sa tindahan ng semento pagbilhan, ng pandikit ng sapatos, oh ayan!
E' e' e' enhale exhale
Pwede ba tigilan mo na nga yang rugby
Hindi ba tama naman ako?
Sabi nga ng tatay mo sa 'kin
"Exactly!"
[Pre-Chorus]
Pero alam kong ang pwede mong sabihin sa akin
Ay wag kang makialam
At ang lahat ng mga nagyayari sa bahay o buhay mo'y di ko alam
Pero pano ba yan, palaging tandaan
Ito ay kanta ko hindi ba?
Kaya wala ka nang magagawa narito na ang Tanya Markova

[Chorus]
Lagot ka sa nanay mo
Palo ka na ng tatay mo
Ba't ganyan ang ugali mo
Huli ka, wag kang tatakbo
Mga salbahe, hindi kasali
Dun sa langgaman dapat itali
Mga salbahe, hindi kasali
Dun sa langgaman dapat itali