Gloc-9
The Bobo Song
[Intro: Loonie]
Lahat ng nakikita ko
Lahat ng nakikita ko
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo

[Verse 1: Gloc-9]
Ang pinilakang tabing na sariling atin natabunan
Ang mga telenovela na pinilit lang ang dubbing
Walang palabas at mas madalas ang patalastas
Sa aming telebisyon biglang naisip ko ang aking
Kinabukasan na parang inihip lang ng hangin
Ako ay Pilipino sa isip at damdamin
Pero bakit ka mahilig sa chinito at chinita
Dramathon sa hapon kasama si tito at si tita
At si kuya at si ate at katulong na parating natutulog
'Pag malapit na maluto ang sinaing
Huminahon ka itay baka ka mabulunan
Sa laki ng binayad mo wala 'kong natutunan
Ni kapiranggot mula nung unang baitang
Pumapasok lang ako para mangutang kay ma'am
Ng pambili ng kanin, chicken adobo
Araw-araw ganito, nakaka-bobo

[Chorus: Loonie & Gloc-9]
Lahat ng nakikita ko nakaka-bobo
Kahit nakapikit ako nakaka-bobo
Lahat nang nakikita ko kahit nakapikit ako
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo
Lahat ng nakikita ko nakaka-bobo
Kahit nakapikit ako nakaka-bobo
Lahat ng nakikita ko kahit nakapikit ako
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo
[Verse 2: Gloc-9]
Pulitiko na nasa showbiz, posible na pala
Ang dami ng artista sa pulitika tanga
Bobo, inutil, walang pinag-aralan
Hangal, hung-hang sino bang pinagmanahan
Uto-uto, sunod-sunuran
Sa kung anumang makita ng mata
Upang mapansin ka ng madla
Para masabi lang na in ka sa mga pormang petmalu
In da loop sa chika chuvanes ke churva eklavu
Mga chismis na nahuli na nang isang dekada
May pelikula kaya ngayon sila'y magsyota
Da who itong starlet na sa banyo nadulas
'Wag na 'wag mong ililipat susunod na sa the buzz
1 2 3 teka lang nauna me
Makakakita ka nang mga natapakan sa TV
Habang kumakain ng kanin, chicken adobo
Ayoko ng ganito nakaka-bobo

[Chorus: Loonie & Gloc-9]
Lahat ng nakikita ko nakaka-bobo
Kahit nakapikit ako nakaka-bobo
Lahat nang nakikita ko kahit nakapikit ako
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo
Lahat ng nakikita ko nakaka-bobo
Kahit nakapikit ako nakaka-bobo
Lahat ng nakikita ko kahit nakapikit ako
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo
[Post-Chorus: Gloc-9]
Takot kang magtanong, takot kang magpaulit
Takot ka ring lumapit sa guro mo na masungit
Takot kang magtanong, takot kang magpaulit
Kaya pala takot ka magsagot sa pagsusulit
'Kala mo alam mo 'to, 'kala mo alam mo yan
'Kala mo porket Tagalog, puro lang kabaduyan
'Kala mo porket mahirap ka, hanggang diyan ka na lang
'Kala mo alam mo na lahat wala ka pang alam

[Verse 3: Gloc-9]
Kasi lahat ng nakikita mo akala mo tama
Maghapon ka sa TV mo na nakatunganga
Nakapangalumbaba simula pa nung bata
'Di naman importanteng magpakadalubhasa
Ang akin lang naman ikaw ay maliwanagan
'Wag na 'wag mong gagawing dahilan ang kahirapan
Maniwala, pero wag umasa sa himala
Wala pang nananalo sa lotto na 'di tumataya
Kaya't palayain mo ang utak mong nakakulong
Mas masahol pa sa bobo ang bobong nagmarunong
Kung ang pag-iisip, para sayo'y nakakangawit
Ibenta mo ang utak mo kung 'di mo ginagamit
Wag kang magalit kung laman ng bao ay ampao
Pilipino lang ako 'pag nananalo si Pacquiao
'Pag narinig ko ang kanin, chicken adobo
Nakaka-indak kahit nakaka-bobo
[Chorus: Gloc-9 & Loonie]
Lahat nang nakikita ko nakaka-bobo
Kahit nakapikit ako nakaka-bobo
Lahat nang nakikita ko kahit nakapikit ako
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo
Lahat nang nakikita ko nakaka-bobo
Kahit nakapikit ako nakaka-bobo
Lahat nang nakikita ko kahit nakapikit ako
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo

[Post-Chorus: Gloc-9]
Takot kang magtanong, takot kang magpaulit
Takot ka ring lumapit sa guro mo na masungit
Takot kang magtanong, takot kang magpaulit
Kaya pala takot ka magsagot sa pagsusulit
'Kala mo alam mo 'to, 'kala alam mo yan
'Kala mo porket Tagalog, puro lang kabaduyan
'Kala mo porket mahirap ka, hanggang diyan ka na lang
'Kala mo alam mo na lahat wala ka pang alam

[Outro]
Bobo!