Gloc-9
Buti Na Lang
Chorus:
Kung nagkataon hanggang leeg mo'y baon
Iisa-isahin ko sa'yo mga mali mong baon
Malalaman ng iba na puro angas ka lang
Buti na lang hindi ako mayabang
Buti na lang hindi ako mayabang

Verse 1:
Kasi sabi ng aking Itay, Anak 'wag ka magyayabang
'Wag mong buhatin ang bangko kahit medyo magaan
'Di pa napipisa ang itlog ay 'wag kang magbilang
'Wag mong ibenta ng mahal kung ang timpla ay matabang
'Wag kang magmamagaling kung hindi ka magaling
'Wag mong doblehin ang pera mo kung hindi ka duling
Kasi halata naman at napag-aalaman
Kapag binuksan ang tinapay manipis ang palaman
Mas mabuti pang iba ang siyang nakakapuna
Sa huli mong ginawa wala pang nakakabura
Ikaw ay nakakaburaot para kang kulangot
Na mahirap dukutin kasi medyo malapot
Sige ipagpalagay natin na ikaw ay nakakaangat
Puro mamahalin ang dumadampi sa 'yong balat
Kailangan bang ipagkalat sumigaw hanggang sa mamalat
Kahit magulang mo lang ang nagbigay sa 'yo ng lahat-lahat

Chorus:
Kung nagkataon hanggang leeg mo'y baon
Iisa-isahin ko sa'yo mga mali mong baon
Malalaman ng iba na puro angas ka lang
Buti na lang hindi ako mayabang
Buti na lang hindi ako mayabang
Verse 2:
Sabi ng aking Inay, 'Wag mong tawanan ang pilay
Wala kang karapatang magalit kung hindi ka nagbigay
Sa mga namamalimos, mga naghihikahos
Paggising ay trabaho hindi pa naghihilamos
Teka mali hilamos para mai-ayos
Wala ngang tsinelas pa'no magkakasapatos
'Wag mong ipagmalaki na ika'y pinarangalan
Alam naman natin na kalaban mo'y dalawa lang
Ilang taon ang dumaan lahat ay pinag-abang
Ibaba mo ang 'yong kamay bakit laging nakaharang (Representing South Side)
Masorpresa mga bato sabay bati
Sa kapitbahay niya do'n sa monumento
Malabo pa sa TV-ing sira ang antenna'y nakagiba
Ayos lang namang suutin ang sombrerong pakabila
Basta't alam mo lang na talampakan mo'y nakasayod sa lupa
Para 'di ka madulas bago ang alikaboking lupa

Chorus:
Kung nagkataon hanggang leeg mo'y baon
Iisa-isahin ko sa'yo mga mali mong baon
Malalaman ng iba na puro angas ka lang
Buti na lang hindi ako mayabang
Buti na lang hindi ako mayabang

Verse 3:
Madami akong pera magaling ako na rapper
Ang katropa ko ay ang pinakamatapang na gangster
Nakapila mga chicks pero hindi yong manok
Yong tipong mga sexy at mahahaba ang buhok
Madami ko nang award dala ng aking bodyguard
Hindi umiinom ng beer yung lang mamahaling na heart
Kita mo tong mga bling bling e pero maningning
Mga plakerang album nakasabit sa dingding
Magara aking auto bumabayaw ang cells ko
Hindi ito commercial homie ang the prize to
Madami akong pera magaling ako na rapper
Yan aking mga fans tingnan mo dito sa Friendster