[Gloc 9]
Dekada nobenta nang ako'y magkagusto
Sa tugtugang pinilit kong pag-aralan ng husto
Tapos lahat ng utos mo ang lahat ay binuhos ko
Kahit pangit ang lasa ang lahat ay inubos ko
Simot lahat pati tinga dapat laging matindi ka
Na parang sinasabi sa kandila na sumindi ka
Kahit wala kang posporo dapat laging umaapoy
Kahit may takip ang inidoro ay umaamoy
Ang ibig kong sabihin ay 'di ka dapat magpapapigil
Pag ako'y nadadapa ay lalo akong nanggigigil
Hindi puwedeng magpasupil ipunin bawat butil
Hawakan ng mabuti kagatin ng mga pangil
Ang bawat pagkakataon madulas parang sabon
Buhatin kahit hindi mo alam ang laman ng kahon
Puwedeng magsawala puwede kang magtagumpay
Alin man sa dalawa ito'y nasa 'yong kamay
[Chorus: Aia de Leon of Imago]
Kahit anong iharang mo itatawid ko ang kanta
Bilangin mo ang sugat ko sumusubasok sa lupa
Tinig ko'y maririnig, isisigaw ko sa madla
Sumulat , gamiting tinta'y alugbati
Sa aking talumpati, sa aking talumpati
Sa aking talumpati
[Gloc 9]
Sumali sa drive-by show ni Andrew E
May lumapit sa'kin na myembro ng DTG
Sabi niya kilala mo ba 'ko sabi ko hindi
Kasi magkasingnipis ang braso nya at binti
All black ang damit may inabot na papel
Anong pangalan mo ako po si Aristotle
Nang silipin telephone number ng kanilang leader
Isang sikat na rapper ang pangalan ay Tibur
Kinabukasan ay pumunta ako sa tindahan
Nagbayad ng limang piso para aking matawagan
Nag ring may sumagot ang sabi niya hello
Kahit kinakabahan sumagot ako hello
Ako po si [?] 'yong rapper kagabi
Yung kausap ng kalbong maputi niyong katabi
Kaya doon nagsimula kami'y naging magkaibigan
At nalaman ko ang landas nang siyang dapat kong lakaran
[Chorus: Aia de Leon of Imago]
Kahit anong iharang mo itatawid ko ang kanta
Bilangin mo ang sugat ko sumusubasok sa lupa
Tinig ko'y maririnig, isisigaw ko sa madla
Sumulat , gamiting tinta'y alugbati
Sa aking talumpati, sa aking talumpati
Sa aking talumpati
[Gloc 9]
Makalipas ang panahon tinanong niya ako
Aalis kasi siya papalit daw ako
At isang rapper na hindi naman marunong mag-rap
Okay lang gagawa kami ng demo tape para matanggap
Sa kumpanya na naglalabas din ng pelikula
Ayos lang kahit nagrarap ako na nakamaskara
Kahit na mukhang tanga 'yan ay okay lang sa akin
Ang sumulat ng kanta ang siyang pangarap kong gawin
Nakapaglabas ng mga album na hindi pinag-isipan
Puno ng galit at umaapaw sa kayabangan
Matapos na tanggalin napag-isip-isip ko rin
Siguro may mas maayos pa ako na pwedeng gawin
'Yan lamang ang unang pahina sa makapal na libro
Kaya't 'di pa nagtatapos ang talumpati kong ito
Puwede akong magsawala puwede akong magtagumpay
Alin man sa dalawa ito'y nasa aking kamay
[Chorus: Aia de Leon of Imago]
Kahit anong iharang mo itatawid ko ang kanta
Bilangin mo ang sugat ko sumusubasok sa lupa
Tinig ko'y maririnig, isisigaw ko sa madla
Sumulat , gamiting tinta'y alugbati
Sa aking talumpati, sa aking talumpati
Sa aking talumpati