Gloc-9
Akin Lang Naman
'Wag mo 'kong pansinin
'Wag mo 'kong pakinggan
Pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman

'Wag mo 'kong pansinin
'Wag mo 'kong pakinggan
Pagkat ang sinasabi ko
Ito ay akin lang naman, naman, naman, naman

Dedma, yan ang dapat mong gawin
'Pag narinig ang bawat salita
Na basa ng laway sa aking bibig
Na aking dinudura sa mga pagmumukha
Ilan ba ang natutuwa kapag ako ang tumula

Wala naman naisip ko lamang bigla, ano kaya?
Kung isang araw ako ang siyang kumabig ng taya
Sa sugal na kung tawagin na ito'y pulitika
Malamang sa malamang kung 'di kilala lugi ka

Kaya't ang mabuti pa'y ipaubaya mo na sa 'kin
Ang hindi mo nakikita, susubukan kong baguhin
Isang araw lang naman ang iyong pagpapahiram
Ng kapangyarihang ang nakahawak lang ay ilan

Hindi tama ang magbintang, subukan nating magbilang
Ilang taon ang dumaan, bakit napag-iiwanan
'Di ko po kayo pinangungunahan, o dinidiktahan
Dahil ang mga sinasabi ko'y akin lang naman
'Wag mo 'kong pansinin
'Wag mo 'kong pakinggan
Pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman

'Wag mo 'kong pansinin
'Wag mo 'kong pakinggan
Pagkat ang sinasabi ko
Ito ay akin lang naman, naman, naman, naman

Alam kong 'di ito madali at medyo mabigat
Pero kung susumahin ang importante lang sa lahat
Ay marunong kang maawa sa mga naghihirap
Minsan kailangang sumagot kahit walang kausap
Nang wala nang batang namamalimos at nang-aapak
Walang umiiyak dahil kinabukasan mo'y tiyak
Libre ang makapag-aral, hustisiya'y di mabagal
Ang mawalan ng pera sa ospital ay hindi sagabal

'Wag mo 'kong pansinin
'Wag mo 'kong pakinggan
Pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman

'Wag mo 'kong pansinin
'Wag mo 'kong pakinggan
Pagkat ang sinasabi ko
Ito ay akin lang naman, naman, naman, naman
Kung ako ang presidente, busog ka na sa bente
Ang lahat ay pantay-pantay, iskwater man o disente
Lahat ay may bubong, lahat ay may dingding
Kung walang makain, hindi magsasangla ng singsing

Dahil ang pasweldo ay tama sa mga manggagawa
Sa dagdag-sahod ay 'di kailangang magmakaawa
Mga lagay-lagay, perang tangay-tangay
Kapag napatunayan, ikulong lahat sabay-sabay

Kasi walang maya-mayaman, dapat maya-maya lang
Tinuturuan ng leksyon, mga maya-mayabang
Mga abusado sa kagawaran ng gobyerno
Nag-aagawan lang sa pwesto mahawakan lang ang porsyento

Pero, kahit suntok sa ulap, baka ika'y mamulat
Kinakalawang na pinto sabay nating itulak
Laging tandaan 'di ko po kayo dinidiktahan
Dahil ang mga sinasabi ko'y akin lang naman

'Wag mo 'kong pansinin
'Wag mo 'kong pakinggan
Pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman

'Wag mo 'kong pansinin
'Wag mo 'kong pakinggan
Pagkat ang sinasabi ko
Ito ay akin lang naman, naman, naman, naman