Gloc-9
Atik Laham
Chorus:
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Kung ang matatanaw ko ay ang hinaharap sa paglingon
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Sasabihin ko na mahal kita

Nahukay ang pantay na lupa
Nag-alisan ang mga tao
Tumigil ang mga iyakan
'Di kailangan ng kabaong
At mga ilaw na may sindi kahit tanghaling tapat
Talulot ng mga bulaklak sa sahig kalat-kalat

Sinoli sa funeraria ang hiniram na bentilador
Sinabing 'di na namin kailangan ng embalsamador
Tumigil ang pagdurugo, naghilom ang mga sugat
Ang mga nayuping bakal ay dahan-dahang naunat

Walang naulat na nasawi o kahit nasaktan
Lumabas sa ospital na saki'y pinagdalahan
Nasa loob ng sasakyan sa kalsada'y walang sagabal
Ang dating mabilis na takbo ng kotse'y bumagal

Alam ko ako'y galit bakit ngayon ay huminahon
Pilit kong tinatandaan anong nangyari kahapon
Dumating ako sa amin walang tao sa labas
Nang biglang ang nakasarang pintuan ay bumukas
Chorus:
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Kung ang matatanaw ko ay ang hinaharap sa paglingon
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Sasabihin ko na mahal kita

Pumasok sa loob ng bahay ngunit bakit ang tahimik
Iba ang pakiramdam parang ako'y nananaginip
Nang aking nakita kinilabutan ako'y napapikit
Umiikot ang segundo sa relo ng pabalik

Lumapit ang aking anak kumapit sa aking kamay
At sinabi sakin buti bumalik ka itay
Kawawa naman si inay nasa kwarto walang kasama
Lumakad at pinuntahan ko ang aking asawa

Nakalupagi sa sahig matay namumugto
Hindi ko malilimutan ang mga sumunod na yugto
Mga nagkabasag-basag na salamin ay nabuo
At umaagos na luha sa kanyang mata'y natuyo

Bakit hindi kumikibo 'di naman nagbibiro
Ako'y kanyang minamasdan tingi'y hindi lumiliko
Bigla kong naalala ang sigawan at ang tulakan
Parang balong puno ng tubig lahat ay natandaan
Chorus:
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Kung ang matatanaw ko ay ang hinaharap sa paglingon
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Sasabihin ko na mahal kita

Alas kwatro ng madaling araw ay umuwing lasing
Dinadaan-daanan lang kita't hindi pinapansin
Hindi mo na kayang tiisin parang mata na may puwing
Nang ako'y iyong tanungin aking paningin ay nagdilim

Parang malapot na dura ang lumabas na salita
Aking sagot sa 'yong tanong ay kumikirot na pasa
Ako'y lumayas tumakas maangas ang pagmumukha
Na parang ahas matalas ang malas kapag tumuka

Halos wala na 'kong buhay nang ako'y datnan sa ospital
Gusto ko lang malaman mo kung pwede lang mangumpisal
Paano mag-uumpisa aminin bawat isa
Pagtalikod sa pangako natin sa isa't isa

Sa 'ting pagsasama ika'y aking isinantabi
Ngunit sa kabila ng lahat ika'y nasa 'king tabi
Mahirap o madali, umaga man o gabi
Ang ako'y mapagsilbihan hindi ka nagmamadali
Alam kong lahat ng nagawa ko sa iyo'y kabaliktaran
Ng tunay kong naramdaman para sa iyo nasayang lang
Nais ko mang malaman mo ngunit lahat ay huli na
Bago masabi ako'y nalagutan ng hininga

Chorus:
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Kung ang matatanaw ko ay ang hinaharap sa paglingon
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Sasabihin ko na mahal kita

Sasabihin ko na mahal
Ki– ki– ki– ki–kita
A- a- atik mahal
A- a - atik mahal
A- a- atik mahal